• Home
  • Fresh Scoops
  • Hataw sa pagsayaw ang aktres na si Kim Chiu sa kantang ‘Not Shy’ ng Korean girl group Itzy.

PANOORIN: Kim Chiu, nagpabilib sa ‘Not Shy’ dance cover

Hataw sa pagsayaw ang aktres na si Kim Chiu sa kantang ‘Not Shy’ ng Korean girl group Itzy.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/05/2020 09:37 AM
PANOORIN: Kim Chiu, nagpabilib sa ‘Not Shy’ dance cover
Screenshot from Kim Chiu PH YT Channel

Hataw sa pagsayaw ang aktres na si Kim Chiu sa kantang "Not Shy" ng Korean girl group Itzy.

Nitong Biyernes, Setyembre 4, naglabas ang Love Thy Woman star  ng kanyang sariling bersyon ng sikat na choreography ng "Not Shy" sa kaniyang YouTube channel.

Bukod sa kanyang dance moves, nagpibilib din si Kim dahil sa ilang beses na pagpalit niya ng mga damit at set.


Sa ngayon ay may higit sa 110,000 na ang nakapanood ng nasabing video. 

Hindi ito ang unang beses na pinahanga ng aktres ang kanyang mga fans sa isang dance cover.

Dati nang nag-nagpasiklab si Kim sa kanyang bersyon ng mga choreography ng sikat na kantang "BOOMBAYAH," Kill This Love," "Boom Boom," at "Baam."

Napapanood si Kim bilang si Jia Wong sa teleserye na Love Thy Woman sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.