• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ni Ejay Falcon sa kanyang outreach program ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas.

EXCLUSIVE: Ejay Falcon umuwi sa Mindoro para mag-abot ng tulong sa mga batang balik-eskwela

Kasama ni Ejay Falcon sa kanyang outreach program ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/05/2020 03:22 PM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon umuwi sa Mindoro para mag-abot ng tulong sa mga batang balik-eskwela
Photo credit: @ejaythefalcon IG

Umuwi ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon sa hometown niya sa Pola, Oriental Mindoro noong August 27 para maghatid ng kaunting tulong sa ilang eskwelahan doon at sa mga kababayang Mangyan.

Ayon sa aktor, kinailangan muna niyang kumuha ng travel pass bago makatawid from Batangas pier papunta sa Calapan, ang capital city ng Oriental Mindoro, at makabyahe papuntang Pola.

READ: EXCLUSIVE: Ejay Falcon, ibinahagi kung paano nabago ni Jana Roxas ang pagkatao niya


“Mahigpit talaga sila. Kasi pag five days at may swab ka at negative naman yung result, ilalagay ka nila sa APOR category. Tapos no need na magpa-swab pabalik ng Maynila,” kuwento ni Ejay sa amin.

Ang ibig sabihin ng APOR ay Authorized Person Outside Residence.

Binisita ni Ejay ang Bacawan Elementary School at Arceli B Pantilanan Bacawan High School kung saan siya dating nag-aral, Buhay na Tubig Elementary School at  Pola Central Elementary School para mamigay ng school supplies, face masks, sabon, hand sanitizers at kung anu-ano pa na magagamit ng mga teachers at estudyante sa kanilang online classes.

Pinuntahan din niya ang  UTMIHCA ( UTMI Hingin Christian Academy) sa Bongabong, Oriental Mindoro  para naman matulungan ang  mga kababayan na katutubong Mangyan doon.

“Natutuwa po ako dahil kasama ko si Jana sa pag-prepare ng mga ganito, and I hope makapagbigay pa po kami sa susunod sa ibang mga schools. Medyo mahirap lang magdala dun kasi tawid-dagat and barko papuntang  Mindoro, pero masaya naman dahil nakikita namin na pursigido yung mga estudyante at mga guro. Sa panahon po ngayon mas kailangan po nila ng suporta.

“Ang sarap talaga sa pakiramdam na kahit sa simpleng paraan ay makapagbigay at makasuporta ka sa mga estudyante at mga guro,” lahad pa ng aktor.

Katuwang ni Ejay sa kanyang advocacy ang kompanyang nagtitiwala sa kanya bilang endorser.

“Natutuwa din po ako dahil palagi nakasuporta sa amin si Ate Rei Tan ng Beautederm sa mga ganitong activities ko. Malaking tulong ang nabibigay ng Beautederm sa amin,” sambit pa niya.

Nakabalik na rin ng Maynila si Ejay nitong September 2 pagkatapos ng limang araw na pag-iikot sa Mindoro para asikasuhin naman ang kanilang restaurant business ng girlfriend na si Jana Roxas – ang
Okane Charcoal Grill House na nasa Banawe, Quezon City.

Ani Ejay, “So far okay naman po yung restaurant namin. Nakaka-surive kahit papaano. Mas okey ngayong nakabalik na tayo sa GCQ. Sana nga tuluy-tuloy na.”

Wala namang nabanggit na bagong TV or movie project si Ejay sa amin dahil magmi-meeting pa lang daw sila ng kanyang handler sa Star Magic this week.