Vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na

Pumanaw na ang sikat na YouTuber na si Lloyd Cadena.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/04/2020 11:53 PM
Vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na
Photo credit: @ lloydcafecadena on Instagram

Pumanaw na ang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena. 

Malungkot na inanunsyo ang pagpanaw ni Lloyd sa isang post na ibinahagi sa kanyang official Facebook page.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Lloyd ngunit kasalukuyang humihingi ang kanyang pamilya ng respeto at dasal habang sila ay nagdadalamhati. 


“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” saad ng statement sa kanyang Facebook. 

 

Kamakailan lang ay lumipat si Lloyd sa bahay na pinatayo niya para sa kanyang pamilya. 

 

Isa si Lloyd sa mga unang sumikat na YouTubers sa Pilipinas. Taong 2010 nang pinasok ni Lloyd ang mundo ng pagva-vlog. 

Mayroong 6.5 million followers si Lloyd sa Facebook at 5.29 million subscribers naman sa YouTube. 

Naging bahagi si Lloyd ng Adober Studios, ang YouTube-certified multi-channel network ng ABS-CBN

Si Lloyd ay naging DJ din sa Love Radio.