• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang taon matapos ang kanyang desisyon na iwan ang Pilipinas para mag migrate sa Canada, masayang ibinalita ng former news and TV personality na si Rhea Santos na muli niyang maipagpapatuloy ang kanyang passion bilang isang mamamahayag.

Rhea Santos, Ron Gagalac, at iba pang Pinoy news personalities, gumagawa ng pangalan ngayon sa Canada

Isang taon matapos ang kanyang desisyon na iwan ang Pilipinas para mag migrate sa Canada, masayang ibinalita ng former news and TV personality na si Rhea Santos na muli niyang maipagpapatuloy ang kanyang passion bilang isang mamamahayag.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/04/2020 11:33 AM
Rhea Santos, Ron Gagalac, at iba pang Pinoy news personalities, gumagawa ng pangalan ngayon sa Canada
Photo Credit: @rongagalac Twitter and @msrheasantos Instagram

Isang taon matapos ang kanyang desisyon na iwan ang Pilipinas para mag migrate sa Canada, masayang ibinalita ng former news and TV personality na si Rhea Santos na muli niyang maipagpapatuloy ang kanyang passion bilang isang mamamahayag.

Sa isang Facebook post, proud at excited ang former GMA reporter sa kanyang pagsisimula bilang host ng isang local news channel sa Vancouver, Canada.

“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada.  You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalists making this possible. A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI Filipino happen,” caption ni Rhea sa post.


 

 

Bukod kay Rhea, ilang Filipino news personalities rin ang makakasama niya sa bagong launch na OMNI Filipino channel tulad ng former ABS-CBN journalist na si Ron Gagalac. 

 

 

Kasama rin sa OMNI Filipino sina Marieton Pacheco Andy Aquino, Paula Saraza, Theresa Redula, at mga video journalist na sina Arvin Joaquin at Theresa Barrera.