• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa na ngayong Tiktok superstar ang veteran actress na si Gina Pareño.

PANOORIN: Gina Pareño, sumabak sa iba’t-ibang Tiktok Challenge

Isa na ngayong Tiktok superstar ang veteran actress na si Gina Pareño.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/05/2020 12:25 AM
PANOORIN: Gina Pareño, sumabak sa iba’t-ibang Tiktok Challenge
Photo Credit: @yourlolagets Twitter

Isa ngayon ang veteran actress na si Gina Pareño sa mga kinagigiliwan ng netizens bilang si @yourlolagets dahil sa kaniyang mga nakakatuwang Tiktok videos.

Sa kanyang Twitter account, makikita ang ilan sa mga nakaka-good vibes na videos na kaniyang ginagawa ngayong stay at home ang mga senior citizens na tulad niya bilang pagsunod na rin sa sa quarantine protocols dahil sa COVID-19.

 


 

 

 

At sa kaniyang edad na 70 na taon, isa ngayon sa mga Pinoy Tiktok superstars isa kaniyang mga videos.

Sa isang ask video interview, sinabi ng veteran actress na ang pag-Tiktok ay isa sa paraan niya para alisin ang lungkot ngayong limitado ang kaniyang nagagawa bilang pag-iingat na rin sa kanyang kalusugan.

“Siyempre dumating ang panahon na ‘I’m in house bored, and bored I’m a house’ parang maloloka ka,” sabi pa ng aktres.

At bilang isang aktres, nakita rin ni Gina ang Tiktok bilang outlet ng kaniyang emosyon na kaniyang nakasanayang gawin bilang isang mahusay na aktres.

“Para sa akin, ito ‘yung na e-express ko yung sarili kong damdamin, ‘yung kilos ko, ‘yung aking emosyon na gusto kong sabihin, yung natural ko, nagagawa ko,” aniya pa.

Dahil sa kasiyahan na dulot sa kaniya ng kaniyang Tiktok, sinigurado ng aktres na patuloy siyang gagawa ng nakakatuwang videos na kaniyang ibabahagi sa kaniyang mga followers.

“Ang intensyon mo ay para pasayahin ang mga tao. Doon mo mai-express ‘yung sarili mo na natural, na gusto mo,” pahayag pa niya.