• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa sa mga nakisimpatya sa libo libong empleyado ng ABS-CBN ang aktres na si Liza Soberano na nangakong susuportahan ang mga ito, partikular na ang mga na-retrench na staff ng kanyang talent agency na Star Magic.

Liza Soberano, nagbigay ng mensahe para sa mga na-retrench na Star Magic staff

Isa sa mga nakisimpatya sa libo libong empleyado ng ABS-CBN ang aktres na si Liza Soberano na nangakong susuportahan ang mga ito, partikular na ang mga na-retrench na staff ng kanyang talent agency na Star Magic.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/04/2020 09:28 AM
Liza Soberano, nagbigay ng mensahe para sa mga na-retrench na Star Magic staff
Photo Credit: @lizasoberano Instagram

Libo-libong empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho matapos patayin ng Kongreso ang hiling na bagong prangkisa ng network giant para sa radyo at TV. 

Isa sa mga nakisimpatya ang aktres na si Liza Soberano na nangakong susuportahan ang mga ito, partikular na ang mga na-retrench na staff ng kanyang talent agency na Star Magic.

Sa video na ibinahagi ng Star Magic executive na si Thess Gubi sa Instagram, nagpasalamat si Liza sa kanilang serbisyo at sinabing handa itong sumuporta kung ano man ang kanilang mga susunod na hakbang. 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hopie Thank you. We miss you @lizasoberano

A post shared by thessgubi (@thessgubi) on

 

“First of all I just want to say thank you so much. Thank you for the friendship, for the guidance, for everything that you have done for the Star Magic family, for me and for Mr. M (Johnny Manahan) and Tita Mariole (Alberto). I know a lot of you guys are going through a really hard time right now and it just breaks my heart to think about it. But I just want you guys to know that there's always a rainbow after the storm as cliche as it may sound. It's true and this may all be part of God's big plan for all of us. And I just want to wish you guys nothing but the best,” ani Liza. 

“If you guys ever need support, I'm here to give it in any way or form. If you guys have new businesses that you guys are planning on opening up or new ventures that you guys are looking into, I want to show my 100% support all the way through just please let me know how to,” dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Liza, hindi siya nawawalan ng pag-asa na magbabalik ang ABS-CBN

"I don't believe this is the end for all of us. I believe that ABS-CBN will one day come back stronger and better than ever and I believe that all of us will be together again," sabi niya.

Bukod kay Liza, nagbigay din ng kanilang mensahe ang kanyang kapwa Star Magic artist na sina Enchong Dee at Zanjoe Marudo para sa mga na-retrench na empleyado ng Star Magic.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Chong thank you for the love ❤️ we miss you! mr_enchongdee

A post shared by thessgubi (@thessgubi) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Z!! Oppa we miss you @onlyzanjoemarudo 😘

A post shared by thessgubi (@thessgubi) on

 

Nitong Lunes, Agosto 31, natahimik at nabakante ang mga opisina ng ABS-CBN matapos magpaalam ng libo libong empleyado bilang parte ng retrenchment program ng nasabing kompanya.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ng ABS-CBN na “ginagawa [nito] ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits, at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho.”

“Mahirap na pakawalan ang aming mga Kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19, ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin. Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga Kapamilya.

“Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanapbuhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.”