• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Daniel Padilla na unti-unti ngayon ang pagbangon ng kanilang negosyo.

Daniel Padilla, ramdam ang hagupit ng COVID-19 sa kaniyang negosyo

Aminado si Daniel Padilla na unti-unti ngayon ang pagbangon ng kanilang negosyo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/04/2020 05:57 PM
Daniel Padilla, ramdam ang hagupit ng COVID-19 sa kaniyang negosyo

Sa patuloy na limitasyon dahil sa quarantine protocols, ramdam na ramdam ng mga negosyante ang hagupit ng COVID-19 sa kanilang mga negosyo.

At tulad ng maraming negosyante, isa rin sa hindi nakaligtas dito ang aktor na si Daniel Padilla na mayroong barber shop business.

Sa edisyon ng Starprenuer na YouTube video ng Star Magic, ibinahagi ni Daniel ang epekto ng COVID-19 sa tulad niyang nagsisimula sa negosyo.


 

 

“Siyempre hindi naman tayo puwedeng huminto roon. Siyempre may mga na lay-off yata, which is hello, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin 'yan, dahil hindi kayang suportahan. Hindi mo rin alam kung saan kukuha financially,” sabi pa ni Daniel sa video.

Ramdam man qng epekto ng pandemya ang negosyo, hindi pa rin sumusuko si Daniel bilang tugon sa kanyang mga empleyado na umaasa sa trabaho na kaniyang inilaan.

“Pero siyempre hindi pa rin natin nakakalimutan na tumulong kahit paano. Tinitignan ko 'yung videos ni Tito Do (Armando Cruz). Wala talagang tao, hindi mo naman sila mapipilit. Pero sa akin 'yung mga kailangang magpagupit, this time, I think Barbero Blues is a good place kasi malinis, sanitized, at siyempre importante sa amin ang safety,” sabi pa ng aktor.

 

 

Bilang namumuhunan sa kaniyang negosyo, hindi isinasantabi ni Daniel at ng girlfriend na si Kathryn Bernardo ang umisip ng mga hakbang na maari pang gawin para sa kanilang barbershop business.

“We have to evolve sa business. Ngayon kasi this is abnormal, hindi ba? 'Yung business mo okay, eh nagka-pandemic. Ano ang magagawa natin? So kung ano ang pwede nating gawin, we have to evolve, adapt or ano pa ba ang puwede. We have to experiment,” sabi pa ng aktor.

Oktubre ng 2019 nang simulang buksan ni Daniel ang Barbero Blues sa isang Mall sa Quezon City.

Bukod kay Kathryn at Daniel, involved rin sa negosyo sina Karla Estrada at Min Bernardo na may-ari rin ng branches ng Barbero Blues.