• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila ginulat nina Raymart Santiago at Jodi Sta Maria ang kanilang mga taga-hanga sa paglantad ng kanilang relasyon.

Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria inilantad na ang kanilang relasyon

Tila ginulat nina Raymart Santiago at Jodi Sta Maria ang kanilang mga taga-hanga sa paglantad ng kanilang relasyon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/01/2020 05:21 AM
Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria inilantad na ang kanilang relasyon

Sa post sa Instagram ng talent manager na si Noel Ferrer ngayong September 30, ibinahagi nito ang isang litrato kung saan magkayakap sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. 

Ayon sa caption ng larawan, kompirmadong may relasyon na ang dalawa. 

"WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!" sabi ni Noel. 


 

 

Bumuhos din ang congratulatory messages sa kanila ng kanilang mga kaibigan na celebrities at mga taga-subaybay. 

Kapwa single ngayon sina Raymart (47) at Jodi (38). 

LOOK: Raymart Santiago with his and Claudine Barretto’s kids in Japan

Si Raymart ay hiwalay na sa kanyang asawa na si Claudine Barretto since 2014, at may dalawa silang anak , sina Sabina at Santino. Hindi pa final ang annulment case nila magpahanggang ngayon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy sunday my palanggas😀

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

 

Si Jodi ay matagal na ding single matapos niyang wakasan ang relasyon niya kay Jolo Revilla noong 2018. 

READ: Court of Appeals denies Jodi Sta. Maria’s plea to reconsider annulment case

Dati ring kasal si Jodi kay Pampi Lacson ngunit nakipaghiwalay ito noong 2011 matapos ang limang taong pagsasama. May isa silang anak, si Thirdy. 

 

 

Hindi man naging 'forever' ang pagsasama nila, naging mabuti ang naging relasyon ni Jodi kay Pampi at sa bagong pamilya nito kasama ang aktres na si Iwa Moto.