• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi mapigil maiyak ni Billy Crawford nang magpaalam ito sa kanyang longtime co-host at malapit na kaibigan na si Vice Ganda kasunod ang balitang lilipat na ito ng network.

PANOORIN: Billy Crawford, naging emosyonal nang magpaalam kay Vice Ganda

Hindi mapigil maiyak ni Billy Crawford nang magpaalam ito sa kanyang longtime co-host at malapit na kaibigan na si Vice Ganda kasunod ang balitang lilipat na ito ng network.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/01/2020 02:06 AM
PANOORIN: Billy Crawford, naging emosyonal nang magpaalam kay Vice Ganda
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Hindi mapigilang maiyak ni Billy Crawford nang magpaalam ito sa kanyang longtime co-host at malapit na kaibigan na si Vice Ganda kasunod ang balitang lilipat na ito ng network. 

Kamakailan lamang ay ipinakilala si Billy ng TV5 bilang isa sa mga host ng kanilang bagong noontime show at variety game show. Sa episode ng "Gabing Gabi na Vice" nitong Martes, Setyembre 29, kinumpirma ng R&B singer ang balita at emosyonal na nagpasalamat kay Vice sa suportang ipinakita nito sa kanyang desisyon na lumipat ng network. 


Ayon kay Billy, mismong ang komedyante at ang iba pa nilang co-hosts sa "It's Showtime" ang nag-udyok sa kanya na gawin ito alang-alang umano sa kanyang partner na si Coleen Garcia at kanilang bagong silang na anak na si Amari.

"Thank you sa pagkakaibigan at pagpapatotoo mo sa akin,” ani Billy. “Trust me, kahit anong mangyari, tatawagan pa rin kita at sasabihin ko, ‘Ikaw pa rin ang pinaka-number one bitch sa buong buhay ko.’ I love you.”  

Ayon naman kay Vice, wala umanong dapat ipag-alala si Billy sa kanyang pag-alis.

"Sa pamilya mayroon naman talagang — mayroon kang mga kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porket lumipat na siya ng bahay ay hindi mo na siya kapatid, or hindi mo na siya Kapamilya, hindi mo na siya mahal,” sabi ni Vice.

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo mapunta, family kita at magkapamilya [pa rin tayo], at mahal na mahal kita.”

Dito na hindi napigilang maiyak ni Billy at sinabing, "Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo."