• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Parizcova Segovia hindi nakapundar ng sasakyan sa napanalunang P1M sa Miss Q and A.

Juliana Parizcova Segovia, nagkaroon ng anxiety pagkatapos ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN

Juliana Parizcova Segovia hindi nakapundar ng sasakyan sa napanalunang P1M sa Miss Q and A.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/30/2020 11:52 PM
Juliana Parizcova Segovia, nagkaroon ng anxiety pagkatapos ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN
Photo Credit: @juliana_parizcova Instagram

Pakiramdam ng kauna-unahang Miss Q and A title holder ng It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia ay pinaglaruan siya ng tadhana nang biglang magsara ang ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.

“Ang hirap po kasi parang pakiramdam ko ang bilis binawi. Parang tinapos ko na nga yung pagiging beauty queen, do’n na ako sa next step na subukan ko naman ang acting, ang pagiging komedyante sa TV, sa pelikula pero bigla ring nawala,” pahayag ni Juliana sa online show na This Is Showbiz.

Pagkatapos daw ng ABS-CBN shutdown ay hindi na niya alam kung paano pa matutupad ang pangarap niya para sa kanyang ina.


Aniya, “Paano ba ako magsisimula? Ano ba ’to? Babalik na ba ako sa dati kong buhay? Every night yon, naiiyak ako. Nagdarasal ako. Sabi ko, ‘Lord, ano ‘to? Bakit parang ang bilis? Ano ba ito? Patikim lang o may iba pa Kayong plano sa akin?’”

READ: Miss Q and A Juliana Parizcova Segovia kung kani-kanino lumapit para humingi ng trabaho

Hanggang nagkaroon na rin daw siya ng anxiety.

“Nagka-anxiety ako. Ang dami ko pa sanang planong gawin kung nagtuluy-tuloy lang siya. Kasi meron ng mga write-ups na noon sa akin na, ‘In fairness kay Juliana when it comes to acting,’ mga ganyan. May mga nababasa kami sa dyaryo na ganu'n nung nakikita nila ako sa Probinsyano.

“So, nu'ng time na yon… paano ko pa ito matutuloy? Paano ko pa gagalingan?” sabi pa ni Juliana.

Nangangamba rin si Juliana na baka hindi na matuloy ang plano niya na magkaroon ng sariling bahay.

READ: New romance? Juliana Parizcova Segovia stirs up speculations with sweet photos

Ibinahagi rin ng komedyante na isa si Melai Cantiveros sa mga kinausap niya nung dumaranas siya ng anxiety na dala ng COVID-19 pandemic at ng pagsasara ng TV network.

“Si Mamshie Melai, nakakausap ko po siya lagi. Lagi kaming nag-uusap na... kailangan ko lang magpaka-busy sa ibang paraan,” sabi pa niya.

Kahit nanalo ng P1 million sa Miss Q and A ay hindi pa rin nakabili ng sariling sasakyan si Juliana.

“Akala nila kapag may one million ka na, talagang milyonaryong-milyonaryo ka na na pwede ka nang bumili ng bahay. Tinatanong nila ako kung bakit wala akong sasakyan.

“Para sa akin lang, iba iba naman tayo ng priority tsaka ng prinsipyo. Kailangan ko ng sasakyan kasi hindi na siya luxury sa akin, eh. Kailangan talaga sa trabaho, eh. 

“Pero ang sa akin, paano ako kukuha ng isang hulugan kung meron pa akong hinuhulugan. Kasi siyempre naupa kami. Sabi ko, parang ang bigat. Okay pa naman akong mag-commute,” katwiran pa ni Juliana