• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi man masasabing matalik na magkaibigan ngayon, isa si Piolo Pascual sa mga mabubuting tao sa showbiz na pinuri ni KC Concepcion.

KC Concepcion, binalikan ang naging relasyon kay Piolo Pascual

Hindi man masasabing matalik na magkaibigan ngayon, isa si Piolo Pascual sa mga mabubuting tao sa showbiz na pinuri ni KC Concepcion.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/03/2020 05:31 PM
KC Concepcion, binalikan ang naging relasyon kay Piolo Pascual
Photo Credit: @itskcconcepcion Instagram

“The relationship is very real for me.”

Ito ang naging pahayag ni KC Concepcion nang mapag-usapan muli ang kaniyang naging relasyon sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa masayang panayam kay KC sa live Instagram video nitong Lunes kasama si G3 San Diego, hindi naiwasan na muling mapag-usapan ang kaniyang nakaraan sa aktor na minsan niyang naka-relasyon.


“Why am I talking about it? Because it was part of my life and in this kind of conversation, people help me to know me more. Of course part naman talaga ng buhay ko ‘yun,” ani KC.

Dito, masayang ikinuwento ni KC kung paano sila nagkakilala ni Piolo bago pa ang TV series na kanilang pinagsamahan na Lovers In Paris na napanood noong 2009 sa ABS-CBN.

“There was a time he visited me on set while I was doing a movie with Chard [Richard Gutierrez] and nakakatawa,” ani KC.

“He visited me one time with direk Joyce Bernal, tawang tawa ako kasi looking back naalala ko sabi ko, ‘direk Joyce, who’s that guy?’ Sabi niya, ‘is name is Piolo but call him PJ, pag close na kayo. ‘Pag hindi pa kayo close, Piolo,’ (laughs) and then sabi niya ‘Bakit?’ Kasi para siyang (Piolo) may halo gumanon talaga ko (laughs) so parang na realize ko tinamaan pala ako, ‘yun pala yun,” masayang kuwento niya.

“And then he’s there lang, waiting lang and wala naman siya pakiaalam (that time) kasi hindi naman niya movie ‘yun he’s a gentleman, he’s so respectful so he just stayed outside.”

Pag- amin pa ni KC, hindi iyon ang unang beses na nagkita sila ni Piolo. Aniya, ilang beses niya nakilala ang aktor sa mga showbiz gathering pero wala siyang ideya kung sino si Piolo Pascual.

Kaya naman masasabi ni KC na totoo ang naramdaman niyang pagmamahal noon para sa aktor.

“That was very real for me and that was my first announced relationship.”

Napa-throwback rin si KC sa kuwentuhan kung saan binalikan niya ang naging announcement ng kaniyang relasyon kay Piolo. 


 
“You know Piolo has always been, very very gentle I think. I think it was announced publicly, it was very expected honestly. Kung alam niyo lang din ‘yung kuwento ng announcement na ‘yun, it’s very crazy din. Kaya tulala lang talaga ako noong time na ‘yun,” kuwento pa ni KC.

Ayon kay KC, on and off ang kanilang relasyon noon ni Piolo bago ang naging aminan.

“There was a time that I didn’t really know that were still together. Because in fact we were together a few months. We were together before we announced and then, there was a sort of break up before we announced on TV.

“And I was a host on that show, and when he got to that show, he’s going to promote his music album. So nagulat ako noong tinanong siya ‘na is it true na may inspirasyon ka na?’ Sobrang sweet pa ng pagkakasabi niya, kasi na parang I was stunned and I didn’t realize that we were still trying.

“To be honest behind the scenes, we already together and we did not stay together and then suddenly he announced that we were together. So at that time when he asked, he wanted to really try so that’s why tulala talaga ako and he hugged me and nagkayakapan na lang kami so I was ‘okay were trying,’” pagdidetalye ni KC.

Hindi man masasabi ni KC na matalik silang magkaibigan ni Piolo ngayon, isa ang aktor sa mga pinuri ni KC na mabubuting tao na kaniyang nakilala sa showbiz.

“It was very real for me. PJ is a wonderful guy until today,” lahad ni KC.

Aniya, sa kabila ng mga batikos nang mga tao noon dahil sa kanilang kontroberysal na hiwalayan batid ni KC na mas kilala niya si Piolo na kaniyang minahal noon.

“May pinagsamahan kami. He was like 10 years older than me but you know, he started out like a kuya to me. So I know exactly what people loved about him and people know naman na that’s very real for me and I was so young and naive.”

Dito, sinagot rin ni KC ang dahilan kung bakit niya kinailangan na ianunsyo pa noon sa programang The Buzz ang hiwalayan nila ni Piolo.
 

 
“It was announced publicly, that’s why it also had to be announced publicly,” paliwanag ni KC.

“No one is saying that we were not together anymore. And there was all endorsements lined up kasi noong time na ‘yun and I didn’t know how else to kind a these brands to know na it’s very hard for me because I can’t pretend. That I cannot act on set. I cannot act we’re together to sell something and to be connected.”

Nais rin ni KC na maging totoo siya sa sarili niya noon at ayaw madamay ang mga taong umasa at naging masaya para sa kanilang dalawa ng aktor.

“Other people would, but right I think I was very honest with myself at that time.So that was the reason why I had to publicly announce because it was also publicly announced, noong naging kami.”

Kuwento pa ni KC, hindi rin naging madali ang moving on process niya lalo pa at may mga endorsement silang kailangan tapusin ni Piolo na ex boyfriend na niya noon.

“More than the interview, more on the personal level. You just regret that it had to end. But I had to say that we were not together anymore because it was hard nga for me already with something with the endorsement,” sabi pa ni KC.

“I just want to be honest and share my life in a way as authentic as possible,”

“The break up could have been worse. I think in any break up with two people that really love each other I think it’s a very tough situation for friends it’s always a tough situation for friends and for people around.”

Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, no regrets si KC sa naging relasyon nila ni Piolo.

“I regret that we have to end. I think that in any relationship you really have faith in it right? And you go into it not thinking that you wanna end it. You go thinking that, you want it.”

Sa ngayon, kapwa single sina Piolo at KC na abala ngayon sa kani-kanilang mga personal na buhay.