• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinagagalak ni Andi Eigenmann na marami ang natutuwa sa pagpapakita niya ng tunay na pagkatao niya.

‘I made the right decision’: Andi Eigenmann, masaya na marami ang natutuwa sa kanyang pagiging ‘authentic’

Ikinagagalak ni Andi Eigenmann na marami ang natutuwa sa pagpapakita niya ng tunay na pagkatao niya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/03/2020 09:25 AM
‘I made the right decision’: Andi Eigenmann, masaya na marami ang natutuwa sa kanyang pagiging ‘authentic’
Photo Credit: @andieigengirl Instagram

Inamin ni Andi Eigenmann na mas masaya siya ngayon dahil mas natutuwa na ang mga tao sa kanyang tunay na pagkatao. 

Sa kanyang panayam sa photographer-to-the-stars na si BJ Pascual matapos ang kanyang shoot para sa Metro Magazine, ibinahagi ni Andi na mismong ang mga brands na ang lumilipad ngayon sa Siargao para sa kanyang mga ini-endorsong produkto.

“The thing was … because nalalaman na ng mga tao nakalipat na ako sa Siargao, ‘yung work pumupunta na din sila du’n,” ani Andi.

LOOK: Andi Eigenmann poses with daughters for magazine cover

Masaya ding ikinuwento ni Andi na labis ang kanyang tuwa dahil mas na-aappreciate na siya ngayon hindi lang ng mga brands kundi pati na umano ang mga tao dahil sa kanyang pagiging “authentic” o totoong tayo niya.

“I feel like the reason I’m happier now is that people are starting to recognize me and brands are starting to recognize me for who I really am. So I enjoy all of my shoots, I enjoy all of the stuff that I have to do,” saad ni Andi. 

Laman noon ng maraming isyu si Andi dahil sa pagiging prangka at palaban nito lalo na noong kabataan niya. 

View this post on Instagram

I have partnered with @houseofgiveawaysph this June to give you this amazing opportunity! Get a chance to win an iPhone 11 Pro Max plus a trip to Siargao good for you and your special someone! All you have to do is follow these simple mechanics: ⠀ To join, follow these steps: ⠀ 1️⃣ Follow @houseofgiveawaysph. ⠀ 2️⃣ Follow all accounts @houseofgiveawaysph is following. ⠀ 3️⃣ Like this photo! ⠀ 4️⃣ Comment and tag (1) friend on @houseofgiveawayph’s giveaway photo. The more comments you make there, the better chance of winning! ⠀ ✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨ ⠀ REMINDERS: ⠀ 🚫 Do not unfollow any of the accounts. If you do, you will be banned from joining our future giveaways. ⠀ 🚫 Your account must be public in order to join this giveaway. We will not accept ghost/fake/dummy accounts, and accounts made solely for spamming giveaways. ⠀ 🚫 By participating, you are confirming that you are 13+ of age. ⠀ ✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨ ⠀ This giveaway will end on June 16, 2020, 12:00 noon. Winner will be drawn live on June 17 5PM. Once we announce the winner, you will have 3 days to confirm your prize. Good luck! #houseofgiveawaysph #giveawayph

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

“‘Nu’ng hindi pa siya uso, talo ako nu’n. Lugi ako. Eh ngayon uso na. Be yourself,” saad ni Andi. 

READ: Taga-isla lang? Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa mga bashers

Pagbabahagi pa nito: “I made the right decision.”

Unang sumikat si Andi dahil sa seryeng Agua Bendita. Simula noon, nagsunod-sunod na ang proyekto ni Andi sa pelikula at telebisyon.

READ: Andi Eigenmann, ibinahagi kung paano niya nalamang may ‘future’ siya kay Philmar Alipayo

Iniwan naman nito ang showbiz ng mga dalawang taon bago piniling mamuhay ng payak sa isla ng Siargao. Kasama doon ni Andi ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at bunsong anak na si Lilo.