Dating PBB housemate na si Karina Bautista, ipinasilip ang kanyang bagong condo

Lumipat na sa panibagong condo si Karina Bautista.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/03/2020 09:59 AM
Dating PBB housemate na si Karina Bautista, ipinasilip ang kanyang bagong condo
Screenshot from Karina Bautista YouTube Channel

Ipinasilip ni Karina Bautista ang kanyang bagong condo na aniya’y mas malaki kaysa sa nauna niyang tinirhan nang magsimula siya sa showbiz. 

READ: Karina Bautista and Aljon Mendoza share ultimate Christmas wish

Dati umanong paupahan ang kanyang maaliwalas na studio-type condo kaya naman masaya si Karina na nakuha niya ito.  


WATCH: KarJon, ibinahagi kung paano nila hinahawakan ang kanilang kinikitang pera

Isa sa mga paboritong spots ni Karina ang kanyang “workspace” kung saan niya madalas na ginagawa ang mga paintings na binebenta niya online. 

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, nagbebenta na si Karina ng mga personalized paintings. Sa Instagram page naman na @kdiamond.painting makikita ang mga obra ni Karina. 

 

 

 

 

Naging certfified plantita din si Karina ngayong quarantine dahil mayroon na siyang koleksyon ng mga halaman na nakalagay sa isang sulok ng kanyang condo. 

 

 

Ani Karina, excited na siyang gumawa ng mga bagong alaala sa kanyang nilipatang tahanan. 

“Hopefully, makagawa ng mga bagong memories dito dahil ang dami kong naiwan du’n sa kabila,” ani Karina. 

Panoorin ang buong vlog ni Karina sa ibaba: 

Unang nakilala si Karina sa Pinoy Big Brother: Otso kung saan tinagurian siyang “Miss Independent Ng Isabela.” 

WATCH: Official trailer of Star Cinema’s ‘The Four Bad Boys and Me’

Kasama si Karina ngayon sa bagong online series na The Four Bad Boys and Me kasama sina Maymay Entrata, Chie Filomeno, Alora Sasam, Rhys Miguel, Kaori Oinuma, at ang ka-love team nito na si Aljon Mendoza.