• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa ipapagawang bahay na lang ibubuhos nina Kris Bernal at ang kanyang fiancé ang dapat na budget sa kasal.

Engrandeng kasalan nina Kris Bernal at fiancé hindi na matutuloy

Sa ipapagawang bahay na lang ibubuhos nina Kris Bernal at ang kanyang fiancé ang dapat na budget sa kasal.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2020 10:59 PM
Engrandeng kasalan nina Kris Bernal at fiancé hindi na matutuloy
Photo Credit: @krisbernal Instagram

Hindi na matutuloy ang engrandeng kasalan na unang pinlano nina Kris Bernal at ng kanyang fiancé na si Perry Choi. Ito ang kanyang inamin sa interbyu ng DZRH (courtesy of Gorgy Rula) kamakailan lang.

Gusto ng magkasintahan na gawing simple na lang ang kasalan dahil sa pandemic dala ng COVID-19 health crisis.

“Ang plan talaga namin, next year, mga May o September. Balak naming i-move sana, pero naisip namin, bakit hindi na lang tayo mag-simple wedding. Kasi, since magpapagawa naman kami ng bahay,” lahad ni Kris.


Patuloy ng dalaga, “Parang gusto na lang naming ibuhos yung gastos sa house. Kesa sa bonggang wedding na bawal din naman, di ba? Sina-suggest nga niya sa akin,‘Alam mo, magpakasal na tayo para may dahilan ka para magtipid.”

Ayon pa kay Kris, kahit simple lang ang kanyang kasal ay gusto niya pa ring magkaroon ng bonggang wedding gown.

Aniya, “Oo, simplelang, pero yung makapag-gown naman sana ako nang bonggang-bongga. Kahit sa gown man lang.”

Malilimitahan na rin ang guests nina Kris at Perry sa kanilang wedding. Close friends mula sa showbiz at pamilya na lang ang maaari nilang imbitahan.

Sa mga taga-showbiz ay kabilang daw sa iimbitahan ni Kris ay sina Aljur Abrenica, Rayver Cruz, Megan Young, at iba pang ka-batch niya noon sa StarStruck.

Samantala, sa post ni Kris sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niyang open na ulit for dine-in ang resto nilang House of Gogi na matatagpuan sa Roces Aveue, Quezon City.