• Home
  • Fresh Scoops
  • Magiging hurado sa isang bagong reality show si Aga Muhlach.

Aga Muhlach, tuloy ang TV comeback

Magiging hurado sa isang bagong reality show si Aga Muhlach.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/29/2020 10:56 PM
Aga Muhlach, tuloy ang TV comeback

Pagkatapos bumida sa top grossing film ng 2019 Metro Manila Film Festival na Miracle in Cell No. 7 na prinodyus ng Viva Films, ay marami ang nag-abang sa pagbabalik-telebisyon ni Aga Muhlach sa ABS-CBN. Pero dahil nagsara ang giant TV network sa Pilipinas kaya sa TV5 muna matutuloy ang TV comeback ng award-winning actor.

Magiging hurado si Aga ng reality singing competition na Masked Singer Pilipinas nanag-originate sa South Korea at magsisimula na sa  October 24, 7 p.m.

Makakasama ni Aga sa Philippine franchise ng reality show bilang judges sina Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli.


Ang host naman ng Masked Singer Pilipinas ay si Billy Crawford.

Hindi na bago kay Aga ang maging hurado dahil nag-judge na rin siya noon sa Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN taong 2016.

Sa Masked Singer Pilipinas ay maraming celebrity contestants ang mabibigyan ng trabaho at TV exposure dahil 12 hanggang 18 mystery celebrity contestants ang sasalang every taping ng show.

Ayon sa TV5 executive at noted film producer na si Perci Intalan, excited sila na muling makatrabaho si Aga.

“We are excited to start working with Aga because we have great plans for him. We’re planning to do a series for him, give him a hosting job for a game show, and another program that’s totally different from what he does,” sambit pa niya.

Samantala, matatandaang noong 2016 ay pumirma ng kontrata si Aga sa ABS-CBN para sa Pinoy Boyband Superstar.

Sabi pa noon ni Aga during the press conference, “FYI, I was in ABS for 19 years. But the only difference now is I was gone for six years and I didn't work for three years and I stopped. So this is my first day na makahawak ng microphone, first day na makunan ako ng picture, first day akong na-initerview.”

Isa sa hindi malilimutang TV show ni  Aga sa ABS-CBN noon ay ang Oki Doki Doc. Marami rin siyang pelikulang nagawa sa Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN.