Labis na pag-aalala ngayon ang nararamdaman ng mga taga suporta ni Mari Isabela Galeria. Si Isabela ay isa sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines na nagmula sa Sorsogon.
Sa isang Instagram post, kinompirma ng Miss Universe PH candidate ang malungkot na balita.
A post shared by Maria Isabela Galeria (@mariaisabelagaleria) on
“With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk,” post ni Isabela sa Instagram.
Patuloy pa niya, “We followed and did all the safety precautions to safeguard from the infection, however it still found us,” aniya pa.
Si Isabela ay isang registered nurse na naka base ngayon sa Sorsogon, kaya naman, isa rin sa naging hakbang niya ang ipaalam sa mga nakasalumuha niya ang kaniyang COVID-19 status.
A post shared by Maria Isabela Galeria (@mariaisabelagaleria) on
“I have spoken with those that I saw recently. My team, my MUP sisters and those I had close contact with in Manila all tested negative. I am in isolation and quarantined now,” sambit pa niya sa post.
Hiling rin ni Isabela, makipag-ugnayan ang mga taong kaniyang nakasalumuha sa malapit na health center upang i-control pa ang pagkalat ng virus.
“I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus,”
Sa huli, humingi rin ng paumanhin ang Sorsogon-based beauty queen sa mga taong posibleng nahawa dahil sa kaniya.
A post shared by Maria Isabela Galeria (@mariaisabelagaleria) on
“I am truly, deeply sorry. Kindly find it in your hearts to include me and my family in your prayers,” pahayag pa niya.
Sa darating na October 25 itutuloy ang unang edisyon ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa Mall of Asia Arena.