• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy-tuloy na ang kuwentuhan kasama ang mga momshies tuwing umaga sa “Magandang Buhay”.

Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada, nagbabalik sa ‘Magandang Buhay’

Tuloy-tuloy na ang kuwentuhan kasama ang mga momshies tuwing umaga sa “Magandang Buhay”.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2020 01:06 AM
Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada, nagbabalik sa ‘Magandang Buhay’

Hindi na maawat ang masayang kuwentuhan tuwing umaga sa pagbabalik ng mga momshies na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay”.

 

 

Simula nitong Lunes, September 28, live na live na muling napanood ang "Magandang Buhay" sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

"Grabe na momshies. Sumobra na ang excitement ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero momshie, papshie at anakshie sa buong family na nanonood ngayon - yes, live na live po tayo," ani Jolina.

READ: ‘Alam kong may pila pero pasensya na:’ Jolina Magdangal fangirls over Park Seo-joon

“Yes, all new and all fresh episodes ang makikita niyo araw-araw. ‘Yan ang ating pagsasaluhan," dagdag pa niya. 

Magkahalong mga emosyon din ang naramdaman ni Melai sa kanilang pagbabalik. Walang hanggan na pasasalamat ang ipinarating nito sa mga sumusuporta sa kanilang programa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Masayang Monday morning kasama ang mga momshie! #MBFreshCelebration

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

“Maraming salamat sa inyo. Naluluha kami sa sobrang excitement at ito na nga mga bagong kuwento ang ating pagsasaluhan at tiyak na kapupulatan ng aral,” sambit ni Melai.

Aminado naman si Queen Mother Karla, na ibang saya rin ang kaniyang nadarama sa muli nilang pagbabalik sa trabaho.

“Napakasarap sa puso na makasama namin kayo live na live. Siyempre nag-uumapaw ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta sa aming mga momshie. Kaya sa ating panibagong kuwentuhan at buhay na buhay ang ating tawanan," pahayag pa ni Karla.

READ: Karla Estrada at boyfriend ipinagdiwang ang first anniversary

Sa kanilang pagbabalik, unang sumalang ang singer na si Erik Santos na kanilang nakasama sa live na live na kuwentuhan.

E

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY BIRTHDAY, ERIK SANTOS! Maraming-maraming salamat sa pagsama sa amin ngayong umaga! #MBFreshCelebration ErikSantos

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

Sa ngayon, napapanood ang “Magandang Buhay” sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at iWant TFC.