• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang ‘confidence and morale booster’ ang acting award para kay Ruby Ruiz lalo na sa gitna ng pandemya.

Ruby Ruiz inspirado sa pagbabalik-teleserye sa ABS-CBN dahil sa first international acting award

Isang ‘confidence and morale booster’ ang acting award para kay Ruby Ruiz lalo na sa gitna ng pandemya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/25/2020 08:26 PM
Ruby Ruiz inspirado sa pagbabalik-teleserye sa ABS-CBN dahil sa first international acting award

Wagi ang beteranang aktres na si Ruby Ruiz bilang best actress sa 15th Harlem International Film Festival na ginanap sa New York City (USA). Nanalo si Ruby para sa pelikulang Iska kung saan tinanghal din siyang best actress ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival taong 2019.

Ito bale ang kauna-unahang international best actress award ni Ruby na madalas mapanood sa mga Kapamilya teleseryes.

Ayon kay Ruby, isang answered prayer ang pagkakapanalo niya sa Harlem.


“It’s an answered prayer for me, especially now that we’re in a pandemic. It’s a confidence and morale booster—a validation of my performance,” wika ng acting coach ng ilang artista.

Dagdag pa ng aktres, “This experience has made me realize that, there are people who continue to appreciate good work, even while we’re battling this pandemic.”

Itinuturing din ni Ruby na ang pelikulang Iska na idinirek ni Theodore Boborol ay isang “lifetime gift” sa kanya ng kaibigang director.

 “Prior to this movie, I always played supporting characters. In fact, when Direk called me up for this, I thought I’d play Iska’s best friend. Iska has brought me to places and made me experience various firsts,” lahad pa niya.

Ang Iska ay istorya ng katatagan ng isang babae sa pagharap sa hirap ng buhay. Base ito sa personal na karanasan ng dating house cleaner ni Direk Ted na nagsilbi sa kanya ng lagpas isang dekada.

Dahil sa bagong acting award ay mas inspirado si Ruby na bumalik sa paggawa ng teleserye.

“This award is really an inspiration, because I will be starting a new ABS-CBN teleserye, where I will play a surrogate mother to one of the lead characters,” sambit pa niya.

Samantala, Si Ruby na isa ring acting coach ay nanalo rin ng best supporting actress sa pelikulang Ekstra na pinagbibidahan ni Vilma Santos noong 2013 sa Cinemalaya.