• Home
  • Fresh Scoops
  • October ng 2018 ng nagpasya si Regine Velasquez na iwan ang GMA para pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Regine Velasquez, may pagsisisi nga ba sa pag lipat sa ABS-CBN?

October ng 2018 ng nagpasya si Regine Velasquez na iwan ang GMA para pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/25/2020 03:45 AM
Regine Velasquez, may pagsisisi nga ba sa pag lipat sa ABS-CBN?

“I never regret. I will never regret anything.”

Ito ang mariin na pahayag ni Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang tanungin kung may pagsisisi ba siya sa naging desisyon na lumipat sa ABS-CBN matapos ang 20 taon niya sa GMA.

“Pagka nga tinatanong ako, parang, ‘Do you regret it?’ I do not. I never regret. I will never regret anything,” tugon ni Regine sa panayam ni G3 San Diego nitong September 23, Miyerkoles sa kanyang Instagram live.


Kasunod ito ng franchise denial para sa Kapamilya network na tuluyang ipinasara sa free TV nitong July 10, 2020.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to ABS-CBN Regine Velasquez @reginevalcasid #reginevelasquez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

READ: Ano ang mga dapat abangan kay Regine Velasquez sa ABS-CBN?

Aniya: “It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work before. But was not able to because of the whole GMA, ABS thing,” paliwanag ng singer.

Dumaraan man sa pagsubok ngayon ang network na sinabayan pa ng pandemic ng COVID-19, nanatiling grateful si Regine sa mga na-experience niya sa kaniyang naging paglipat sa ABS-CBN.

“So, I just wanted to experience that. Before the pandemic, I was able to experience it naman, eh. Ang dami kong nagawa before this, hindi man nga nabigay yung renewal ng ABS. Marami naman akong nagawa,” paliwanag ni Regine.

Kuwento pa niya, mas na-maximize rin umano niya ngayon ang kaniyang singing career.

October ng 2018 nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si Regine, kasunod nito nabigyan siya ng pagkakaton na umawit muli tuwing Linggo sa ABS-CBN shows tulad ng “ASAP”, at maging hurado rin sa unang edition ng “Idol Philippines”.

“First of all, I was singing-parang na-maximize ulit yung pagiging singer ko, cause I was doing ‘ASAP’ every single week. In one show, I would sometimes have three production numbers. So, that’s a lot. And I was so looking forward to performing every Sunday,” sambit pa niya sa panayam.

Dahil na rin sa pagkakataon na ito, tila natupad rin ang pangarap ni Regine na makasama ang rising singers na kumakanta sa Sunday Kapamilya noontime variety show.

“Kasi dumadami rin yung kaalaman mo sa mga kanta, andami mong natututunang kanta.You also work with other people, so you also learn from them. So, yun ang exciting doon. Plus, every week, it’s live, so hindi mo alam kung anong mangyayari.

“A lot of times nagkakamali ka, but you wing it. It’s part of the whole excitement. Minsan maganda performance mo, minsan hindi. Minsan may boses ka, minsan wala. So, it’s all part of the excitement of having a live show. I think I missed that very much," patuloy pa niya. 

Dito, nilinaw rin ni Regine na naging maayos ang kaniyang pagpapaalam sa GMA, na nagbigay sa kaniya ng maraming oportunidad.

 

“I was explaining to them, I just wanted to work with other people, and nagpaalam ako nang maayos. Sabi ko,na not that I don’t appreciate what GMA has given me. GMA has given me a lot. Marami silang ginawa din naman sa career ko.I was given a chance to be a host. I was given a chance to do soap opera.

“Marami silang naibigay sa akin, so very thankful naman ako doon. But at that time when I moved back to ABS, I just wanted to sing again. Yun lang ang nasa head ko,” pahayag pa ng singer," aniya.