• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay, nagdarasal n asana si Andrea Torres na ang kanyang ‘The One.’

Derek Ramsay sa relasyon kay Andrea Torres: ‘I’m praying na sana mapunta na ito sa kasalan’

Derek Ramsay, nagdarasal n asana si Andrea Torres na ang kanyang ‘The One.’

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/25/2020 02:12 AM
Derek Ramsay sa relasyon kay Andrea Torres: ‘I’m praying na sana mapunta na ito sa kasalan’
Photo credit: @ramsayderek07 IG

Ang akala ng marami noon ay ikakasal na si Derek Ramsay kay Joanne Villablanca, ang non-showbiz girlfriend niya at nakarelasyon ng halos 6 na taon. Nabanggit din noon ni Derek na nagpaplano na silang magpakasal at ang ipinapatayo niyang bahay ang kanilang magiging “home sweetie home.”

Kaya lang nag-break ang dalawa noong June, 2019. At ayon kay Derek, ang dahilan nito ay isang “unresolved issue.”

September 2019 naman nang aminin nina Derek at Andrea Torres na may relasyon na sila. Two months pa lang pagkatapos ng breakup ni Derek sa ex-girlfriend ay nagkaroon na agad ito ngb agong karelasyon.


Ngayong isang taon na silang mag-on ni Andrea ay gusto ni Derek na sa kasalan na mauwi ang lahat.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why. I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.

“I’m praying na sana mapunta na ito sa kasalan. Siguro in the next two years, it has to happen,” pahayag pa niya.

When he was building the house ay hindi naman daw niya alam na darating sa buhay niya si Andrea.

“I was building this house for the next chapter in my life. Hindi ko pa alam na Andrea was going to come into my life. And I’m so lucky that she did,” sabi pa niya.

Nang dumating si Andrea sa kanya ay bahagya raw nabago ang plano niya sa kanyang bahay lalo pa nga’t iniisip niya na ito na ang kanilang magiging future home.

“It was in the middle of the whole process na ginagawa ko itong bahay na ito. There were lots of things that were changed because she was in my life now.

“This is for my future. This is for our future. Itodo na natin ito,” deklara ni Derek.