• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinondena ni Xyriel Manabat ang ginawang pambabastos sa kanya ng netizens sa social media.

Xyriel Manabat nagsalita kaugnay sa pambabastos sa kanya ng mga netizens sa social media

Kinondena ni Xyriel Manabat ang ginawang pambabastos sa kanya ng netizens sa social media.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/22/2020 04:58 PM
Xyriel Manabat nagsalita kaugnay sa pambabastos sa kanya ng mga netizens sa social media
Photo credit: @xyrielmanabat_ IG

Hindi napigilan ng dating child star na si Xyriel Manabat na maglabas ng kanyang saloobin kaugnay sa mga pambabastos ng ilang netizens sa mga larawang ibinahagi niya sa social media nitong nakaraang linggo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Posting this picture again baka kasi mamiss niyo katangakran ko👉🏻😗👈🏻 GIVEAWAY TIME 🎉🎉🎉 Teaming up with slaystylegiveaways, we will be giving away IPHONE 7PLUS or 20,000 CASH for one Lucky Student. HOW TO JOIN? 1️⃣ FOLLOW @slaystylegiveaways 2️⃣ FOLLOW ALL ACCOUNTS that they are following (THEY ALWAYS CHECK) 3️⃣SHARE this poster on your story (please keep a screenshot) 4️⃣ COMMENT AND TAG FRIENDS IN @slaystylegiveaways ad, AS MANY AS YOU CAN for more chances of winning (1 TAG = 1 ENTRIES) - ADDITIONAL ENTRIES 1️⃣ Post this poster on your feed and with the caption (message @slaystylegiveaways FOR THE CAPTION) FOR WINNER, PLEASE PREPARE: ☑️ Proof of Enrollment ☑️ Must be 13 years old and above ☑️ Any representative/family members ‼️PLEASE NOTE‼️ ❌ UNFOLLOWERS after giveaway will Tracked Down ❌ BLOCKED ❌ RESTRICTED FOR JOINING FUTURE GIVEAWAYS This giveaway is not sponsored by Instagram and Apple Company. (Void where prohibited)


A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on

 

Mariing sinabi ni Xyriel na taliwas sa marahil iniisip ng mga nagkokomento sa kanyang larawan, hindi niya ikinatutuwa ang mga nababasa niyang komento sa social media tungkol sa kanyang dibdib. 

LOOK: ‘Dalaga na si Momay’: Xyriel Manabat’s latest photo charms netizens

Ani Xyriel, hindi kailanman dapat kunsitihin ang ganoong pag-uugali lalo pa’t pambabatos ito o sexual harassment.

"Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments kasi 'yung iba po below the belt. Sana po alam nila at aware po ‘yung mga tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine," ani Xyriel.

 

 

Nag-iwan naman ng mensahe si Xyriel sa mga taong patuloy na nambabastos sa social media lalo na sa mga mga menor de edad gaya niya.

"Sa mga nakaka-experience po lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon. Minor man, girls, boys, anumang age, anumang gender or anuman ang suot sana po walang ganoon,” aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

•blessed y’all• Kept the last pic raw JUST LOOK AT THE SKYYYYYYYYYY PLSSSSSSSS Shirt from @understatedmerch

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on

 

Dagdag pa niya: “Never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na marami pong pinagdadaanan na mental health na problems. Huwag na pong sumabay. Respect na lang po.”

Sambit naman ng ina ni Xyriel na nagpakita sa nasabing video, wala na magagawa dahil biniyayaan sila ng malaking dibdib.

"Wala na tayong magagawa, asset na natin ito," saad ng ina ni Xyriel.

Panoorin ang panayam ni Xyriel sa dating “Push Now Na” host na si Darla Sauler sa ibaba: 

Ngayong 16 anyos na siya, inamin naman ni Xyriel bagama’t wala pa siyang kasintahan, mayroon na siyang mga itinuturing na crush.

"May mga crush po ako. May crush din po ako sa totoong buhay. Normal naman po siguro 'yon.”

Huling napanood sa top-rating na teleserye na Wildflower si Xyriel. At aniya, napagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral simula nang huminto siya sa pag-arte. 

 

 

"Simula po noong nag-stop ako sa Wildflower hanggang ngayon ay talagang sobrang focus lang po ako sa personal life and studies, sa family and friends. Nag-e-enjoy po ako na ganito po, wala po gaanong iniisip, walang kasabay 'yung studies,” ani Xyriel. 

READ: Xyriel Manabat graduates from high school

Unang nakilala si Xyriel sa Star Circle Quest. Lumabas ito sa iba’t-ibang teleserye ng Kapamilya network gaya ng Agua Bendita, Momay, at 100 Days To Heaven.