TINGNAN: Ilang mga artista at netizens, nakilahok sa #ManilaBayChallenge Spotted si Dyesebel sa Manila Bay!

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/22/2020 05:48 PM
TINGNAN: Ilang mga artista at netizens, nakilahok sa #ManilaBayChallenge Spotted si Dyesebel sa Manila Bay!
Photo credit: @@dailyjayvz on Twitter

Samu’t-saring memes tungkol sa ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay ang kumakalat ngayon sa social media.

Kasunod ng pansamantalang pagbubukas ng artificial white sand beach sa Manila Bay noong Sabado, September 19, kaliwa’t-kanang memes ang nagsilabasan sa internet. Ito ay matapos dumagsa ang maraming tao sa paunang pagbubukas ng nasabing atraksyon sa Manila Bay.

READ: Alessandra de Rossi slams government’s move to dump ‘white sand’ in Manila Bay


Matatandaang binatikos ito kamakailan dahil sa hindi pagsunod sa social at physical distancing na pinapatupad ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pampublikong lugar.

Ilan sa mga agaw-pansin na memes na ginawa ng netizens ang mga larawan kung saan makikitang tila nagsisiksikan ang mga tao upang makuhanan ng litrato ang karakter na ginampanan ni Anne Curtis sa telebisyon bilang sirena na si Dyesebel. 

 

 

Samantala, nagbigay naman ng kanya-kanyang entry ang iba pang mga artista gaya nina Pokwang, Chie Filomeno, at Nikko Natividad.

Tingnan ang mga litratong ito sa ibaba: 

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ssshhhh wag magkagulo!!! hindi po ako james bond girl hahahhahaa

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ay sus.... nandyan parin kayo? naka pag change outfit na ako dyan parin kayo? hahaahahahaa

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

Sinuportahan naman ng ilang mga artista gaya ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla ng nasabing proyekto ng gobyerno. 

https://push.abs-cbn.com/2020/9/21/fresh-scoops/mariel-rodriguez-on-manila-bay-white-sand-beach-pr-231722

“The efficiency of the present government is admirable! Ibigay natin sa gobyerno ang tamang pagkilala sa accomplishment na ito dahil may COVID-19 man o wala, bilang isang taxpayer, pipiliin ko na ang white sand kesa sa basura,” ani Robin.

Saad naman ni Mariel: "Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda.... can you believe it? Ngayon sila nagreklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta ‘yung tax na binabayad natin... ayan oh. At least yan nakikita natin di ba? Tapos mah complain pa rin?”