• Home
  • Fresh Scoops
  • Magbabalik telebisyon si Seth Fedelin bilang isa sa mga bagong karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Seth Fedelin, gaganap bilang bagong karakter na abangan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Magbabalik telebisyon si Seth Fedelin bilang isa sa mga bagong karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/22/2020 07:20 PM
Seth Fedelin, gaganap bilang bagong karakter na abangan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Isang bagong blessing para kay Seth Fedelin ang maging bahagi ng FPJ's Ang Probinsyano.

Dito, gagampanan ni Seth ang bagong karakter na si Macoy na may pangarap na maging isang pulis.

 


“Ang character ko po rito, ako po si Macoy, isa pong binatang probinsiyano. Si Macoy ay may ambisyon siya sa buhay niya, may pangarap siya. At ang pangarap niya ay maging pulis kagaya nina Cardo. Kaya doon po magmumula ang interes niya sa grupo ni Cardo,” tugon ni Seth sa isang video interview ng Dreamscape social media.

Aniya, malaking blessing ito para sa kaniyang karera ang makasama sa isang proyekto ang aktor at direktor ng Ang Probinsyano na si Coco Martin.

“Nakaka-proud na nakasama ako rito sa Ang Probinsyano. Siyempre sobrang saya na nakasama ko si Kuya Coco. At si Kuya Coco eh hindi lang basta pupunta ka para lang mag-taping. Kahit sa likod ng camera ay kakausapin ka niya. A-advise-an ka niya ng mga technique. Tutulungan ka niya. Napakabuting kuya po ni Kuya Coco,” sambit ni Seth.

"Siyempre po masaya kasi another blessing para sa akin. Masaya dahil mayroon akong makikilalang mga bagong tao, bagong kaibigan," aniya pa.

Dahil baguhan at naninibago sa pamilya ng Probinsyano, amimado si Seth na nakakaramdam siya ng hiya lalu pa at mga iniidolo niya ang mga makakasama sa proyekto.

“Masaya po kaso may times na nahihiya ako siyempre bago pa lang, hindi naman po maiiwasan 'yan. Pero masaya sila kasama lalo na sa likod ng camera, kapag nagba-bonding kami,” pahayag ng aktor.

Huling napanood si Seth bilang si Mikoy sa hit afternoon series na Kadenang Ginto kung saan katambal niya si Andrea Brillantes.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.