• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinompirma ni Maja Salvador na isa siya sa mga ABS-CBN stars na mapapanood na rin sa ibang istasyon.

Maja Salvador, nagpaalam na sa ABS-CBN

Kinompirma ni Maja Salvador na isa siya sa mga ABS-CBN stars na mapapanood na rin sa ibang istasyon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/23/2020 02:05 AM
Maja Salvador, nagpaalam na sa ABS-CBN

Idinaan ni Maja Salvador sa social media ang kaniyang pormal na pamamaalam bilang isang Kapamilya.

Sa isang Instagram post, pormal na nagpaalam si Maja sa kaniyang mga kasamahan, tagahanga, at mga nagmamahal sa kaniya simula ng gumawa ng pangalan sa ABS-CBN.

 


 

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN,” bungad ni Maja sa post.

Dito, sinabi rin ni Maja na isa siya sa mga Kapamilya stars na kasama ng Star Magic head na si Johnny Manahan na napaulat na gumagawa na ng proyekto para sa ibang TV network.

Kasunod na rin ito nang franchise denial para sa ABS-CBN, na naging dahilan para sa ABS-CBN na magbawas ng mga empleyado upang ipagpatuloy ang operasyon nito sa digital platform.

 

 

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. Mr. M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma,” patuloy ni Maja.

Hiling ni Maja: “Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. Maraming salamat po,” pahayag ng aktres.

Isa lang si Maja sa mga Kapamilya stars na napabalita nang mapapanood sa TV5.