• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw ni Jackque Gonzaga na kailanman ay hindi niya itinago ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Tom Doromal.

‘Never naman naging secret’: Jackque Gonzaga, sinagot ang bashers na kinuwestyon ang kanyang relationship status

Nilinaw ni Jackque Gonzaga na kailanman ay hindi niya itinago ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Tom Doromal.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2020 12:15 PM
‘Never naman naging secret’: Jackque Gonzaga, sinagot ang bashers na kinuwestyon ang kanyang relationship status
Photo credit: @jackiegirlg IG

Hindi napigilan ni ‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga na sagutin ang ilang netizens na pinagdudahan ang kanyang mga binitawang salita kung saan sinabi niyang kasalukuyan siyang single. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happi new yir ebryone ❤️

A post shared by Tom Doromal | Official Acc. (@hashtag_tomdoromal) on


Ito ay matapos niyang magbahagi kinagabihan sa Instagram ng isang TikTok video kung saan makikita siyang sumasayaw kasama ang boyfriend niyang si Tom Doromal. 

“Sabi mo kanina single ka,” ani ng isang netizen na may username na @boggszx. Sambit naman ni @roan_gijapon: “Oo nga sabi niya kanina single. Magcomment sana ako ng gyan buti nalang nacomment mo Kuya.”

READ: Ate Girl Jackque, may love advice ngayong taon

Paglilinaw ni Jackque, tinutukoy niya ang kanyang civil status at hindi ang estado ng kaniyang buhay pag-ibig.

Aniya: “‘Pag hindi pa kasal ang isang tao, ano ang civil status niya? Hindi ba single ‘yun?” 

“In a relationship dapat,” sagot ng isang netizen na may username na @priyapsingco. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🤪 @tnjsmokedham is waving! Hahha order na. Lezzgoww

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg) on

Sagot naman ni Jackie: “Pero marriage po ang pinag-uusapan kanina. Sino ang hindi pa kasal. Never naman naging secret na I’m in a relationship.” 

Ibinahagi naman ni Jackque sa Twitter ang screenshot ng mga komento na ibinato sa kanya ng mga nasabing netizens. 

READ: Tom Doromal breaks his silence after Jackque Gonzaga became emotional onstage

“Lezzgoww payt me haha CHOZZ. Issue agad ‘tong mga tao,” Dagdag pa niya: “‘Wag kayo magalala pag kasal nako balitaan ko agad kayo.”

Sinang-ayonan naman ni Jackie ang isang netizen na nagsabing hayaan na lang ang mga namba-bash sa kanya. 

“Grabe naman mga tao ngayon jusko. Eh ano naman sa inyo. Wala akong masabi sa mga Pilipino daming satsat. ‘Pag pinatulan mo, ikaw pa magiging masama. Yaan mo sila at girl,” ani ng netizen. 

Sagot ni Ate Girl, “This is o true. ‘Pag sinagot mo sila dahil binabastos ka, ikaw pa mayabang. Hindi ko na alam."

Nagkakilala sina Tom Doromal at Jackque Gonzaga sa “It’s Showtime”.  Miyembro ng grupong Hashtags si Tom Doromal at isa naman sa mga dancers si Jackque Gonzaga, na sa kalauna’y naging bahagi na rin ng ilang segment ng noontime show dahil sa pakikipag-banter niya kay Vice Ganda. 

2018 nang naging magkasintahan sina Tom at Jackque.