Mark Herras nagbabala sa bashers ni Nicole Donesa at kanilang future baby boy

Inilahad din ni Mark Herras ang plano nilang magpakasal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/20/2020 03:44 PM
Mark Herras nagbabala sa bashers ni Nicole Donesa at kanilang future baby boy
Photo credit: @herrasmarkangeloofficial IG

Sinadyang ilihim pansamantala ng magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa ang tungkol sa pagbubuntis ng beauty queen na nasa ika-limang buwan na ngayon.

Ani Mark sa latest vlog nila sa YouTube, “During this time, it’s nice to keep things private muna especially during the very sensitive stages sa akin. First trimester for me, for the both of us actually, was really hard.”

I’m also really proud of this guy (Mark). He’s been doing everything he can to prepare to be the dad he’s going to be,” reaksyon naman ni Nicole.


Hindi naman naiwasang maging emosyonal ng aktor nang malaman lalaki ang kanilang magiging anak sa isang gender-reveal party na mapapanood sa vlog ng celebrity couple na inupload noong September 18 sa kanilang joint YouTube channel.

I won,” pabirong reaksyon ni Mark sa video.

“Tama ako, guys, di ba? Alam na. Ipapasa ko ang agimat,” dagdag niyang pahayag.

Ano ba ang ipapangalan nila sa baby?

Corky yung pangalan ni baby. Yung C-O is from me, Ico. Yung R-K is from Mark. And then yung Y, from baby, so Corky,” pahayag ni Nicole.

Nagpaalala naman si Mark sa mga posibleng maging bashers ni Nicole at ng kanilang baby.

“Huwag n’yo kaming gagawan ng isyu or huwag kayong magsasabi o magsasalita ng kahit anong negative about me and Nicole or our baby kasi papatulan ko kayo. I’m sorry to say, ah.

I’m sure maraming susuporta sa atin. Basta sa mga bashers, beware. Remember, bad boy ako,” paalala ni Mark.

Nilinaw din ni Mark ang isyu na kaya niya pakakasalan ang kasintahan dahil nabuntis na niya ito.

Katwiran niya, “Ico is five months pregnant now pero hindi yon yung reason kung bakit kami magpapakasal, okay. Nilinaw ko na sa mga mamba-bash diyan.

“Unang plano namin is magpa-civil wedding muna but, yun nga, dahil nagka-COVID so maraming nagsara. May mga requirements from the embassy na kailangan for Ico, eh, kasi dual citizen siya. Alam n’yo naman, galing Amerika. Tapos pangalawa, ‘yung daddy ni Ico is nasa Amerika.”