• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ngayon si Joshua Garcia sa nagsisimula na gumawa ng vlog.

Joshua Garcia, ibinahagi ang mga plano sa kaniyang gagawing vlog

Isa ngayon si Joshua Garcia sa nagsisimula na gumawa ng vlog.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2020 08:58 AM
Joshua Garcia, ibinahagi ang mga plano sa kaniyang gagawing vlog
Photo credit: @garciajoshuae IG

Ngayong stay at home dahil sa COVID-19, isa ang aktor na si Joshua García sa mga aminadong na enganyo na rin na magsimula sa vlogging.

WATCH: Joshua Garcia tries hand at vlogging

Sa Cinema News at Home Edition, isa sa mga naging tanong kay Joshua ay kung ano nga ba ang mga dapat abangan sa kaniyang upcoming vlog.


“Pini-film ko ang lahat ng nangyayari sa akin araw-araw. Plano ko pumasok sa YouTube, sa vlogging. Gusto ko mag-vlog. Nung quarantine ang dami kong pinapanood na YouTube videos, mga vloggers,” ayon kay Joshua sa panayam.

Aniya, na-inspire siya na gawin ang vlog dahil na rin sa mga nakikita niyang mga YouTube personality na ginagawang diary ang kanilang social media.

“Nakikita ko, sabi ko, 'Bakit di ko i-try ito?' Pini-film ko ang ginagawa ko every day, kino-compile iyong mga masasayang part. Sa nangyayari sa akin ngayon, inaaral ko pa mag-edit,” sambit pa ni Joshua.

Dahil bagito sa vlogging, todo explore rin si Joshua sa pag-edit ng kaniyang mga videos.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pacu’te

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

“Naghahanap pa ako saan makakahanap ng music na walang bayad. Medyo pinag-aaralan ko pa,” ani aktor.

Tamang tama rin na anytime this month of September, i-upload ni Joshua ang kaniyang unang YouTube video.

“Baka by September makapag-upload na ako. May plano na ako na kuha ng isang editor. My plan kasi is to upload two videos sa isang linggo. Parang gusto kong tahakin entertainment na comedy,” sabi pa niya.

Dahil halos ng kasamahang artista ay into vlogging na rin, ibinahagi rin ni Joshua na nakaramdam siya ng kaunting panghihinayang sa pagsisimula ng late sa vlogging.

"Andami kong na-realize. Parang sabi ko, 'Bakit di ko ito ginawa nung umpisa pa lang? Sobrang dami nangyaring maganda sa buhay ko. Lahat ng nangyari sa akin sa buong six years ko sa showbiz. Ang saya ng experience. Kung na-upload ko sa YouTube eh di may nabalikan ako na video,” pahayag ng aktor.