Jason Fernandez, Itchyworms, Barbie Almalbis-Honasan at Bradz magsasama sa virtual anniversary concert

May virtual concert ang Bradz para sa kanilang anniversary.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2020 02:36 PM
Jason Fernandez, Itchyworms, Barbie Almalbis-Honasan at Bradz magsasama sa virtual anniversary concert

Nagsimula ang music career ng magkakapatid na sina  Sean, Chris, at JC Naval sa kanilang pagsali sa isang acoustic band competition sa isang mall walong taon na ang nakararaan.

Matapos ang naturang kompetisyon, napagtanto ng magkakapatid na na gawin nang seryosohan ang kanilang pagiging singing group. Ginamit nila ang band name na “The Voysing.”

Doon na rin nagsimula na mag-perform sila sa mga konsyerto at regular gig sa loob at labas ng Metro Manila. Lalo pang dumami ang kanilang imbitasyon na mag-perform matapos lumabas ang kanilang Wishclusive performance ng kanilang original song na “Pag-ibig” sa napaka-popular na Wish Bus.


Nakasama rin sila sa isang malaking production number ng ibang sikat na mang-aawit sa kauna-unahang Wish Music Awards sa Araneta Coliseum noong taong 2015.

Sa taong 2018 naman, inalok sila ng Breakthrough and Milestones Productions International (BMPI), Inc. ng isang management deal na nagbigay sa kanila ng bagong pangalan na “Bradz” (short colloquial term for “brothers”).

Nagkaroon naman ang grupo ng isang record distribution agreement sa Warner Music Philippines ilang buwan matapos ang pirmahan. Unang inilabas na awit ng BMPI at Warner Music ang “Pag-ibig” na available sa lahat ng digital platforms. Dahil sa commercial na tunog ng naturang kanta, agad itong napansin sa music industry.

Maging ang programang Gandang Gabi Vice o GGV ng ABS-CBN ay ginamit pa itong backround music sa guesting ng sikat na sikat na Korean girl group na MOMOLAND.

Nobyembre ng pareho ring taon, napiling kampeon ang awiting “Tugtog” na song entry ni John Paul Salazar sa grand finals ng A Song of Praise Music Festival (ASOP) sa interpretasyon at pagbibigay buhay ng Bradz.

Isang virtual anniversary concert naman ngayon ang ihahandog ng BMPI para sa sumusubaybay sa grupong Bradz sa September 27, 2020, Sunday 7 p.m. Sasamahan ang Bradz ng The Voice of the Philippines Season 2 alumnus at former Rivermaya lead vocalist na si Jason Fernandez, acoustic folksy pop singer songwriter Eloisa Jayloni, famous Filipino rock band Itchyworms, and premiere singer songwriter Barbie Almalbis-Honasan.

Para sa E-tickets, tawagan lamang ang mga mobile numbers, 09955000615/ 0995923629/ 09668102400 o mag-email sa events@bmpicorp.com.