• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Elha Nympha na isa lamang ang nakamit niyang certificate mula sa Harvard sa mga naging achievements niya ngayong quarantine.

Elha Nympha, nakakuha ng certificate mula sa Harvard

Ibinahagi ni Elha Nympha na isa lamang ang nakamit niyang certificate mula sa Harvard sa mga naging achievements niya ngayong quarantine.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/02/2020 10:52 AM
Elha Nympha, nakakuha ng certificate mula sa Harvard
Photo Credit: @elhamaenymphaofficial Instagram

Proud na ibinahagi ni Elha Nympha sa Kapamilya Confessions na marami siyang na-achieve ngayong quarantine. 

Nang tanungin ito kung kailan ang huling beses na nagsabi siya ng “I Love You,” inamin ni Elha na tinext niya ang kanyang boyfriend na si Brian Gazmen habang ginagawa ang show sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

 


 

“Alam niyo naman, I have a ‘baby.’ Mayroon akong love life. Lagi ako nag-uupdate,” pag-amin ni Elha.

READ: Elha Nympha, may boyfriend na

Ngayon na mas slim na ang kanyang pangangatawan, ikinuwento rin ni Elha kung paano niya na-achieve ito sa tulong ng workout routine mula sa panonood ng vlogs ng sikat na YouTube vlogger na si Chloe Ting.

Ngunit isa marahil sa pinakamahirap na parte ng kanyang tuloy-tuloy na healthy lifestyle ay ang kanyang diet kung saan tatlong kutsara ng kanin lamang ang kinakain niya sa isang araw. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dynamite. . . . . . . . .Funk and soul

A post shared by 𝐄π₯𝐑𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐑𝐚 (@elhamaenymphaofficial) on

 

“‘Yung workout ni Chloe Ting. And ‘yung diet ko naman is so hard. Tatlong kutsarang kanin,” kuwento ni Elha. 

Tip naman ni Elha sa mga gustong magpapayat, huwag mahihiyang subukan ang mga ito lalo pa’t kung goal mo naman ang maging healthy. 

READ: Elha Nympha shows off result of ‘super diet, workout’

“Lagi ko ‘tong sinasabi, kung gusto mo maging healthy — kung ginagawa mo ‘yun para sa sarili mo, just do it guys. ‘Wag kayong mahihiya and ‘wag kayong mag-hesitate na gawin ‘yun kasi balang araw, ‘pag na-reach niyo na ‘yung certain goal niyo na sinet niyo para sa sarili niyo, it’s really amazing,” ani Elha. 

 

 

Isa pang achievement ni Elha ang pagtanggap niya kamakailan ng certificate mula sa Harvard dahil sa partisipasyon nito sa isang webinar. Ani Elha, naiyak siya nang matanggap niya ito. 

“Last time I cried I think that was because ano I received a certificate from a Harvard webinar. Well, it’s just a webinar pero sobrang nakaka-senti sa akin ‘yun. Super happy ko na like at this age makatanggap ng certificate from Harvard,” ani Elha. 

Panoorin ang interview ni Elha sa ibaba: 

Samantala, nakapanayam din ni DJ Jhaiho si Elha sa Hotspot at ikinuwento nito na mas naging bukas pa siya tungkol sa kanyang love life. 

Si Elha ang nanalo sa ikalawang season ng The Voice Kids.