• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Lyca Gairanod na may mga nanliligaw pa rin sa kanya ngunit hindi pa daw siya handa.

Lyca Gairanod, inaming siya ang nagpakilala kina Elha Nympha at Brian Gazmen

Ibinahagi din ni Lyca Gairanod na may mga nanliligaw pa rin sa kanya ngunit hindi pa daw siya handa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/19/2020 10:48 AM
Lyca Gairanod, inaming siya ang nagpakilala kina Elha Nympha at Brian Gazmen
Photo credit: @lycagairanod.1 and @brian_gazmen IG

Sa naging panayam ni Lyca para sa online show ni DJ Jhai Ho na Hotspot, inamin ni Lyca Gairanod na may mga nagpaparamdam na rin sa kanya hanggang ngayon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@nokidding.apparelco ❤️

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1) on


“Hindi ko po masasabing wala. Pero meron po. Parang ‘di pa po pwede sa ngayon,” pag-amin ni Lyca. 

Matandaang noong nakaraang taon ay inamin ni Lyca sa PUSH na may mga nagpaparamdam sa kanya. Gayunpaman, nilinaw ni Lyca na hindi ito ang prayoridad niya sa ngayon. 

READ: Despite having suitors, Lyca Gairanod says love life not a priority right now

Nang tanungin ito kung ano ang sinasabi niya sa kanyang mga tagahanga na hindi pa siya pwede magkaroon ng kasintahan, sagot nito: “Sinasabi ko lang po na ‘pass muna. Hindi muna pwede. Kasi [mapipingut] tayo ni Mama, matatalakan.’”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🤪👾

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1) on

Pagbabahagi namin niya Lyca, nagsilbi siyang tulay sa pag-iibigan ng kapwa The Voice Kids champion na si Elha Nympha at boyfriend nitong si Brian Gazmen. 

BASHIN: Elha Nympha, may boyfriend na

“Noong una po talaga nagulat ako kasi parehas ko po silang best friends. So ako po ‘yung nagpakilala kay Elha kay Brian Gazmen sa Magandang Buhay po ‘yun,” ani Lyca. 

Dagdag pa nito, suportado niya ang pag-iibigan nila. “So hanggang naging magkaibigan sila. So bilang kaibigan, support na din po ako. Supportive,” aniya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Kamakailan lang ay nag-trending si Lyca dahil sa naging pagbisita nito sa lumang bahay na tinitirhan nito. 

BASAHIN: Lyca Gairanod, ipapagawa na ang bahay ng kanyang lola

Maliban sa chikahan nila tungkol sa buhay pag-ibig, ipinamalas din ni Lyca ang kanyang talento sa paglalagay ng makeup sa nasabing video.