• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa na ngayong ganap na ina si Dianne Medina sa kanilang anak ni Rodjun Cruz na si Baby Joaquin.

Dianne Medina, ibinahagi ang challenge sa panganganak sa panahon ng COVID-19

Isa na ngayong ganap na ina si Dianne Medina sa kanilang anak ni Rodjun Cruz na si Baby Joaquin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/19/2020 03:49 PM
Dianne Medina, ibinahagi ang challenge sa panganganak sa panahon ng COVID-19
Photo credit: @dianne_medina IG

Masaya at proud na ibinahagi ng TV host at first time mom na si Dianne Medina ang kaniyang kasiyahan matapos isilang ang first baby nila ng mister na si Rodjun Cruz.

Sa ulat ng Cinema News, nagkuwento si Dianne ng kaniyang nararamdaman ngayong isa na siyang ganap na ina sa week old baby boy na si Joaquin.

“Masaya kami ng asawa ko siyempre undesrcribable yung feeling kasi nasa loob pa lang siya ng tiyan, mahal na mahal mo na ang anak mo, so what more kapag nakita mo pa siya,” sabi pa ni Dianne.

"Since I'm a first time mom, I'm very excited, I'm very grateful and very thankful to our Lord Jesus Christ for blessing us such a beautiful baby,” patuloy pa niya.

Ayon pa kay Dianne, sulit ang lahat ng pagod at sakit na kaniyang naramdaman ng unang masilayan ang bagong silang niyang baby.

"It was very worth it. After all the painfull experience, after seeing my baby, I was so happy. I was so excited, nawala talaga lahat yung sakit and yung pagod ko,” saad pa ni Dianne.

Pinuri din ni Dianne ang todo asikaso ng mister na si Rodjun, na all through out ay nasa kaniyang tabi at naka-alalay sa kaniyang pagdadalang tao.

I was very lucky also to have my husband by my side. He’s very supportive, he takes care of me and talagang buhos 'yung support system and yung pagmamahal niya sa amin ni Baby Joaquin kasi he makes sure na talagang yung needs namin ni baby, nabibigay niya. And ang talagang inisip ko na lang is on how to give birth, si Rodjun na talaga ang nag-ayos ng lahat ng kailangan namin,” lahad pa niya.

EMBED: https://www.instagram.com/p/CFACx4Vl3L-/?igshid=kskzk2bzsvvb

At dahil nagsilang nitong panahon ng pandemya, aminado si Dianne na hindi madali ang kaniyang pinagdaanan.

Kuwento niya, sa buong pagbubuntis rin niya, hindi rin umano nagkaroon si Dianne na pagkakataon na makita ang baby sa ultrasound.

"Noong nabuntis pa lang ako, challenging na yun kasi during that time, nag-lockdown na tayo. I was pregnant in the midst of COVID. I wasn’t allowed for check up, wasn’t allowed to see my baby through ultra sound because, I was only allowed to go to the hospital if it's really an emergency,” sabi pa ni Dianne.

Dagdag pa niya, “Siyempre, I also have to take safety measures, lalo na kami ng asawa ko, kahit nasa bahay lang kami, for the sake of the baby's health. So yun pa lang challenging na and yung pag deliver din. 

"It was also challenging but sa hospital naman, they have safety measures and new protocols para masiguradong safe si baby and si mommy kaya masasabi ko rin na naging maayos yung stay namin sa hospital. Wala namang masayadong fears, ang pinaka magagawa mo lang talaga during this time of pandemic is to be really healthy as well as your baby,” pahayag pa ng TV host.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

my life. my everything. my baby @babyjoaquinilustre 💙💙💙 kamukang kamuka mo Daddy @rodjuncruz

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on

December of 2019 nang ikasal si Dianne at Rodjun.