• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinatuloy ni Rambo Nuñez sa kanyang tahanan ang girlfriend na si Maja Salvador para sa isang house tour vlog.

PANOORIN: Maja Salvador, nagpa-tour magarbong penthouse ng boyfriend na si Rambo Nuñez

Pinatuloy ni Rambo Nuñez sa kanyang tahanan ang girlfriend na si Maja Salvador para sa isang house tour vlog.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/19/2020 01:35 AM
PANOORIN: Maja Salvador, nagpa-tour magarbong penthouse ng boyfriend na si Rambo Nuñez
Photo Credit to Meet Maja Youtube Channel

Binuksan ni Rambo Nuñez ang mga pinto sa kanyang tahanan para sa house tour vlog ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador. 

 

 

Kuwento ni Maja, masaya siya na pinahintulutan siya ng ina ni Rambo na ipakita sa kanyang mga tagahanga ang tahanan ng pamilya nila.

Pagbabahagi pa niya, ibang-iba pa ang hitsura ng nasabing penthouse sampung taon ang nakalilipas. Matatandaang naging sina Maja at Rambo noong 2010 bago sila nagkabalikan taong 2019. 

READ: Maja Salvador gives a tour of their modern tropical family home

“Bagong renovate lang ‘yung house. Kasi ‘yun nga, we just wanted to change it para at least mas modern,” ani Rambo.

Moderno ang security system ng penthouse nina Rambo na ginagamitan pa ng fingerprint scanner para makapasok. At dahil madalas umanong bisitahin ni Maja ang pamilya ni Rambo, binigyan na din siya ng access. 

 

 

Karamihan sa mga kasangkapan na matatagpuan sa loob ng bahay nina Rambo ay gawa ng mga sikat na furniture designers gaya nina Vito Selma, Kenneth Cobonpue, at Paul Cornelissen.

Ilan sa mga inikot nina Maja ang kusina, ang powder room, living room, terrace, entertainment area, at konting pasilip sa kwarto ni Rambo. 

READ: ‘Thank you for loving me nang buong buo’: Maja Salvador tells BF Rambo Nuñez on his birthday

Matatagpuan din sa nasabing bahay ang isang malaking massage chair na regalo ni Maja kay Rambo noong kaarawan nito. 

“Parehas kami mahilig magpa-massage. So nu’ng birthday niya, ‘yun ‘yung isang naisip ko na i-regalo sa kanya,” kwento ni Maja. 

Panoorin ang vlog ni Maja sa ibaba: 

Nauna nang ipinasilip ni Maja ang kaniyang sa bahay sa isang vlog. 

Samantala, nangako naman si Maja na magpapa-room tour sila ni Rambo kung aabot ng dalawang milyon ang views sa nasabing vlog.