• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkakilala sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa 18th birthday ni Julia Barretto sa tulong ni Kathryn Bernardo.

Kathryn Bernardo, nagsilbing tulay sa pag-iibigang Khalil Ramos at Gabbi Garcia

Nagkakilala sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa 18th birthday ni Julia Barretto sa tulong ni Kathryn Bernardo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/18/2020 08:25 PM
Kathryn Bernardo, nagsilbing tulay sa pag-iibigang Khalil Ramos at Gabbi Garcia
Photo Credit: @bernardokath and @khalilramos Instagram

Sa mga nakalipas na taon, pinatunayan ng magkasintahan na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang katatagan ng kanilang relasyon. Ngunit alam niyo bang nagsilbing tulay ang malapit nilang kaibigan na si Kathryn Bernardo sa kanilang pag-iibigan? 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We wish we could go on a long drive and eat at one of our fave restaurants just like old times... #LDR 💚


A post shared by Khalil Ramos (@khalilramos) on

 

Sa isang YouTube Live kung saan ipinagdiwang nila ang natanggap ni Gabbi na Gold Play Button, ikinuwento ng dalawa na nagkakilala sila sa debut ni Julia Barretto noong taong 2015.

Nang masilayan ni Khalil si Gabbi sa nasabing party, agad umano nitong tinanong kay Kathryn — na katabi si Gabbi noong mga panahong iyon — kung sino ito. 

“At that time, 'yung relationship namin ni Kath, hindi kami like now. We’re much closer now. Pero out of nowhere, I asked her who you were,” ani Khalil.

Dagdag pa niya: “Tapos parang naramdaman niya yata kaagad na parang I’m crushing on you or I like you. Sabi niya agad, ‘Si ano iyan, si Gabbi. Papakilala kita, papakilala kita. Halika, halika, papakilala kita.”

Kwento naman ni Gabbi, simple lang ang ginawang pagpapakilala ni Kathryn sa kanilang dalawa noong gabing iyon. 

“Sumayaw pa kami sa dance floor ni Kath. Suddenly, someone from Star Magic pulls her and said she has an interview so I was alone. Hindi ko na alam, bigla ka na lang lumapit sa akin.”

Sinundan raw siya ni Khalil kung saan siya magpunta noong gabing iyong hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang kanilang pag-uusap.

“After the small talk, I went looking for my friends. He went with me, he helped me look for them. And when I saw sila na, you were just there. You were just following me the whole night,” ani Gabbi. 

 

 

Inamin naman ni Gabbi na inaantay niyang hingin ni Khalil ang numero niya bago sila magpaalam sa isa’t-isa. 

Bagama’t nawalan ng contact sa isa’t-isa, nabigyan sila ng pagkakataon na muling magkausap taong 2017 kung saan nagsimula din silang lumabas. 

Pinasalamatan naman nina Khalil at Gabbi si Kathryn na nagbigay-daan sa relasyon nilang dalawa. 

Thank you Kath, we love you. And we miss you if you’re watching,” saad ni Khalil. Dagdag ni Gabbi: “Cheers, Kath.”

Samantala, pinatotohanan naman ni Julia Barretto sa Twitter ang kwento ng dalawa nang sumagot ito sa tweet ni Gabbi. 

“Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka. Parang everything good follows. Parehas kayong naghihilahan pataas. Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa. Walalang, ang saya lang for the past three years ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight,” kwento ni Gabbi. 

 

 

 

 

 

Sagot naman ni Julia: “#JustJulia @ 18.” “girl I love u with all my heart,” saad ni Gabbi. 

Saad ni Julia: “I love u w/ all my heart too.”

Sa huli, ibinahagi ni Gabbi ang lumang litrato nila ni Julia na magkasama. 

 

 

Tatlong taon nang magkarelasyon sina Khalil at Gabbi.