• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa lamang ngayon si Mayor Isko Moreno sa mga politikong tinitingala dahil sa epektibong pamamalakad niya sa lungsod ng Maynila.

Experiences sa pagsisimula sa showbiz, bitbit ni Isko Moreno sa kaniyang trabaho bilang Mayor

Isa lamang ngayon si Mayor Isko Moreno sa mga politikong tinitingala dahil sa epektibong pamamalakad niya sa lungsod ng Maynila.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/18/2020 09:18 PM
Experiences sa pagsisimula sa showbiz, bitbit ni Isko Moreno sa kaniyang trabaho bilang Mayor

Hindi naawat sa pagbabahagi ng ilang natutunan sa kaniyang kabataan ang actor-politician na si Isko Moreno na isa ngayong Mayor ng Lungsod ng Maynila.

Sa kaniyang pakikipagkuwentuhan saWe Rise Together kasama si Dj Jhaiho, with Charlie Dizon at Anthony Jennings, nag throwback si Isko sa ilan sa kaniyang recent realizations sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-muni muni.

“Minsan nga nagmumuni-muni ako, alam mo ang Diyos talaga, maraming pamamaraan to teach us lesson in life that can be a tool for future reference. Having said that, ‘yun ang pinaghuhugutan ko so I understand,” bungad na tugon ni Yorme Isko.


Aniya, bagaman hindi na bago sa marami ang kaniyang kuwento, ito pa rin para sa kaniya ang nakikita niyang susi sa magandang epekto ng kaniyang mga proyekto sa mga kababayan sa Maynila.

“Well I’m not they only one who understands. I can only speak for myself and I understand yung pakiramdam ng tao kung paano kumalam ang sikmura, ano ang pakiramdam ng walang laman ang tiyan. ‘Yung pumapasok ka at hindi mo alam kung ‘yung bahay mo naka tirik pa dahil yung lupa ay hindi iyo. Yung share holder ka ng Meralco (illegal connection) ‘yung ka sosyo ka ng Maynilad (illegal connection) kasi Wala kang sariling metro. These are the things na na-experience ko siguro,” sabi pa niya.

Patuloy na kuwento ni Yorme Isko: “Kung paano sumakay ng jeep, paano ang pakiramdam ng maghintay sa jeep, paano ma tolonges ‘yung environment mo. The very tough environment that will also change your character as a person because of those shenanigans in your environment,” saad pa niya.

Bitbit ang mga personal experiences, nakikita ni Isko na ito rin para sa kanya ang kaniyang paraan para i-appreciate ng mga kababayan ang mga batas na gagawin at ipapatupad sa mga kababayan sa Maynila.

“Good thing that this experience of mine for 18 years of my early life it teaches and remind me everyday that one, I should be grateful for whatever I am now. Two, I’m using this as a tool to understand and tell technocrat in the government like in this case that if we create policy and if they going to suggest policies and program at least I can interject things that are more effective and mas ma-appreciate ng tao. Because governance is about the people it’s not about the politicians it’s not only about the government it’s only about the people,”

At ngayong panahon ng pandemic dahil sa COVID-19, aminado si Yorme Isko na nadagdagan ang challenge na kaniyang hinaharap kaya naman isa lang rin ang kaniyang pakiusap sa mga kababayan sa lungsod.

“No matter what we do, no matter what policies were going to introduce if people will not cooperate like you guys, like you guys you’re working from home so you’re following simple policy that there’s still show, Pwede pa rin mag entertain ng tao, using technology,” sabi pa niya.

“So if everybody will cooperate like behave disciplined. Alam niyo kung ano ang hinahanap ko talaga, yung kusang disiplina. We can still discipline, That’s true, we must as government as enforcer and implementor of laws to create certainty in our community.”

Bilang isang Mayor, ibinahagi rin ni Isko ang isa sa mga pangarap niya na future ng Maynila.

“Alam mo ang pinakamasarap sa lahat, sana mangyari ‘yung isang lugar sa Batanes na may tindahan na hindi na kailangan ng bantay. ‘Yung ganun, na kahit walang nakatingin ang tao susunod ang tao, kahit walang nagsasabi na nangangalaga sa kaniyang sarili, ang tao ay sumusunod sa mga tagubilin,” sabi pa ni Isko.

“Ang tao bilang isang bahagi ng pamayanan ay responsable sa kaniyang sarili at responsable sa kaniyang kapitbahay I hope ma achieve natin ‘yun balang-araw,” aniya pa.

Sa lahat ng effort na kaniyang ginagawa, isa lang rin daw ang nais lang marinig ni Isko mula sa mga kababayan.

“Thank you is just two words, but it means a lot to us on government when you say Thank You, it’s a short of saying you appreciate things and if you appreciate things then it will use by us to do better,” pahayag pa niya.