Sinuportahan ng magkasintahan na sina Catriona Gray at Sam Milby ang proyekto ni Gretchen Ho sa gitna ng pandemya na #DonateABikeSaveAJob project.
Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya ang Miss Universe 2018 na nakatayo sa isang compound na puno ng bisikleta. Ani Gretchen, ang mga bisikletang ito ay napunta sa mga residente ng Pasig City.
Kasama din nina Gretchen at Catriona sa nasabing litrato ang Head ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo. Todo ang pasasalamat ng TV host sa kanyang manager na aniya’y nag-pledge na ng higit sa dalawang daang bisikleta.
“Thank you for supporting the #DonateABikeSaveAJob project. My @cornerstone family is the BEST. Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakuhanan ako kaagad ng pledge for 250 bikes,” ani Gretchen.
LOOK: Gretchen Ho gives bicycle to teen who delivers food using rollerblades
Dagdag pa ni Gretchen, nasa 185 na na bisikleta ang kanyang naipamigay simula nang magsimula ang kanyang passion project.
“May nabigyan na naman tayong 50 ng trabaho!! Sa ngayon 185 bikes na naipapamigay natin. Let’s put more riders on the road,” aniya.
Samantala, hinikayat naman nito ang kanyang mga taga-suporta na lumapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang e-mail address kung nais nilang mamigay ng bisikleta na nagkakahalaga lamang ng 3,500 pesos.
Gretchen Ho gives away 50 bikes to deserving people
“If you want to donate, it’s 3500 pesos per bike. Please email us at gretchen@womaninaction.ph,” saad niya.
Sina Catriona Gray, Sam Milby, at Gretchen Ho ay bahagi ng Cornerstone Entertainment.
Kamakailan ay nakapamahagi rin si Gretchen ng mga tatlumpong bisikleta sa tulong ni Angel Locsin at programa nitong Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel.
“We gave away 30 bikes. to our stuntmen and stuntwomen. Marami sa kanila ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic. Pero sa tulong ni @therealangellocsin at ng #IbaYan team, mabibigyan na rin sila ng work as delivery riders!! Aside from the bikes that @womaninactionph has given, they’ve connected our stuntmen with the new #MoveOn app for immediate job hiring,” saad ni Gretchen.