• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Catriona Gray, Sam Milby namahagi ng bisikleta sa mga residente ng Pasig

TINGNAN: Catriona Gray, Sam Milby namahagi ng bisikleta sa mga residente ng Pasig

Namahagi ng mga bisikleta sina Sam Milby at Catriona Gray sa limampung residente ng Pasig.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/16/2020 8:11 PM
TINGNAN: Catriona Gray, Sam Milby namahagi ng bisikleta sa mga residente ng Pasig


Photo credit: @gretchenho IG

Sinuportahan ng magkasintahan na sina Catriona Gray at Sam Milby ang proyekto ni Gretchen Ho sa gitna ng pandemya na #DonateABikeSaveAJob project.

Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya ang Miss Universe 2018 na nakatayo sa isang compound na puno ng bisikleta. Ani Gretchen, ang mga bisikletang ito ay napunta sa mga residente ng Pasig City. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

From one SUPERWOMAN to another 🙅🏻‍♀️ Our Miss Universe Catriona Gray (@catriona_gray) together with @samuelmilby, and Cornerstone Talents (@cornerstone @visionerickson), Secret Scents (@secretscentsph) and Medigrade Philippines (@medigradeph) DONATE 50 BICYCLES to PASIG CITY RESIDENTS. Thank you for supporting the #DonateABikeSaveAJob project 👏🏻👏🏻👏🏻 My @cornerstone family is the BEST ❤️ Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakuhanan ako kaagad ng pledge for 250 bikes 😭 We did this bike drive last Sunday in the @emcorehealth compound. Thank you Emcore for having us!! Dahil sa inyo napadali at naging mas maayos ang distribution namin 😊 Mighty proud of my team again for being able to work efficiently. May nabigyan na naman tayong 50 ng trabaho!! Sa ngayon 185 bikes na naipapamigay natin. Let’s put more riders on the road 😏 If you want to donate, it’s 3500 pesos per bike. Please email us at [email protected] :) @womaninactionph 📸 Warehouse Photos by Mores Heramis @rezonrun 📸 Bike Giveout Photos by @aubreylavern

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho) on

 

Kasama din nina Gretchen at Catriona sa nasabing litrato ang Head ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo. Todo ang pasasalamat ng TV host sa kanyang manager na aniya’y nag-pledge na ng higit sa dalawang daang bisikleta.

“Thank you for supporting the #DonateABikeSaveAJob project. My @cornerstone family is the BEST. Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakuhanan ako kaagad ng pledge for 250 bikes,” ani Gretchen. 

LOOK: Gretchen Ho gives bicycle to teen who delivers food using rollerblades

Dagdag pa ni Gretchen, nasa 185 na na bisikleta ang kanyang naipamigay simula nang magsimula ang kanyang passion project.

“May nabigyan na naman tayong 50 ng trabaho!! Sa ngayon 185 bikes na naipapamigay natin. Let’s put more riders on the road,” aniya.

Samantala, hinikayat naman nito ang kanyang mga taga-suporta na lumapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang e-mail address kung nais nilang mamigay ng bisikleta na nagkakahalaga lamang ng 3,500 pesos. 

Gretchen Ho gives away 50 bikes to deserving people

“If you want to donate, it’s 3500 pesos per bike. Please email us at [email protected],” saad niya. 

Sina Catriona Gray, Sam Milby, at Gretchen Ho ay bahagi ng Cornerstone Entertainment.

Kamakailan ay nakapamahagi rin si Gretchen ng mga tatlumpong bisikleta sa tulong ni Angel Locsin at programa nitong Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

On the set with a real superhero, Darna. Surprise!!!! #IBAYAN: We gave away 30 bikes 🚲 to our stuntmen and stuntwomen. Marami sa kanila ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic. Pero sa tulong ni @therealangellocsin at ng #IbaYan team, mabibigyan na rin sila ng work as delivery riders!! Aside from the bikes that @womaninactionph has given, they’ve connected our stuntmen with the new #MoveOn app for immediate job hiring ☺️ Congrats po!! Sure na sure ako na kaya ninyo yung buhay siklista!! Thank you to our #womaninaction @therealangellocsin for continuing to help others through her platform ☺️ #IBAYAN episode airing now on Kapamilya Channel!

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho) on

 

“We gave away 30 bikes. to our stuntmen and stuntwomen. Marami sa kanila ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic. Pero sa tulong ni @therealangellocsin at ng #IbaYan team, mabibigyan na rin sila ng work as delivery riders!! Aside from the bikes that @womaninactionph has given, they’ve connected our stuntmen with the new #MoveOn app for immediate job hiring,” saad ni Gretchen.