• Home
  • Fresh Scoops
  • Pansalamatalang natigil ang shoot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang pag-iingat sa COVID-19.

Mga bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, balik trabaho na muli

Pansalamatalang natigil ang shoot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang pag-iingat sa COVID-19.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/15/2020 10:59 AM
Mga bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, balik trabaho na muli
Photo Credit: @cocomartin_ph Instagram

Extra ingat ngayon ang produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano matapos ang pansalamtalang tigil trabaho kamakailan matapos magpositibo sa COVID-19 ni Mark Leviste na isa sa mga cameo role sa programa.

WATCH: Richard Gutierrez, hindi naman na-alarma sa pagkakaroon ng COVID-19 ni Mark Leviste | PUSH Daily

Sa ulat ng Cinema News sa isa sa mga bida ng programa na si Yassi Pressman, kinompirma nito ang kanilang pagbabalik-trabaho na aniya, doble doble ngayon ang pag-iingat.


“The safety treatment of the show is even stricter,” sabi pa ni Yassi sa ulat.

Aniya, sinigurado rin ng production na walang ibang tao ang maaring makihalubilo sa kanila bilang bahagi ng pag-iingat ng programa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Napakahirap po ng pinagdadaanan namin, pero araw-araw po kami nagririsk at nagtratrabaho para po may maihandog sa mga mahal naming Kapamilya. Miss na miss na miss na miss na po namin ang mga pamilya namin pero patuloy po kaming nagsisikap para sakanila. Excited na po kaming makauwi sa aming tahanan, ang ABSCBN. At matapos na po ang laban nating lahat sa nagiisang kalaban natin, ang #Covid19. Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin. 🙏 Sa ngayon, sana po, abangan po ninyo itong bagong yugto ng #FPJsAngProbinsyano na talaga namang pinaghandaan po namin para sainyo. ♥️ Richard, Lito, Maraming Salamat sayo. Welcome sa aming Pamilya. @DreamscapePh #ForeverKapamilya 🙏

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

 

“Napakarami din do naming mga marshals at mga nag babantay para siguraduhin na wala pong ibang makakapasok na hindi kasama ng staff, crew, at ng mga artist, kaya we feel very safe na po sa pagbabalik,” sambit pa ni Yassi.

At sa pinagdaraanan ngayon ng ABS-CBN at pagharap sa pandemya ng buong Pilipinas, nanatiling malaki ang pasasalamat ni Yassi na patuloy pa rin sila sa pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng entertainment.

“I feel really blessed and still very very thankful and grateful na may trabaho pa din po kami despite the situation. Kaya mahal na mahal po namin ang network at ang show na ito dahil patuloy ang pagsisikap para siguraduhing ligtas kaming lahat na magkaroon pa rin po kami ng pagkakataon na ‘In the Service of the Filipino,’” pahayag ni Yassi.

Sa ngayon, patuloy na napapanood ang ika-apat na taon ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at iba pang digital platform ng ABS-CBN.