TINGNAN: Precious moments ng first time celebrity fathers

Magkakasunod na ipinakilala ng mga celebrity daddies na sina Billy Crawford, Rodjun Cruz, at Carlo Aquino ang kanilang mga first baby.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/14/2020 3:39 PM
TINGNAN: Precious moments ng first time celebrity fathers


Photo Credit: @jose_liwanag, @billycrawford and @rodjuncruz Instagram

Tripleng saya ngayon sa netizens ang magkakausunod na pagbabahagi ng mga retrato ng mga first time fathers na sina Billy Crawford, Rodjun Cruz, at Carlo Aquino kasama ang kanilang mga cute na cute na babies.

Una na dito ang mga retrato ni Billy Crawford kasama ang kaniyang week old baby na si Baby Amari.

READ: Coleen Garcia, nanganak na

Photo courtesy @billycrawford Instagram

Si Amari ang first child ni Billy at ng misis na si Coleen Garcia.

Kinagigiliwan rin ang daddy moments ni Rodjun Cruz kasama ang kaniyang first born baby na si Joaquin.

READ: Rodjun Cruz and Dianne Medina reveal they are having a baby: ‘Answered prayer!’

Photo Courtesy @rodjuncruz Instagram

Si Baby Joaquin ay anak ni Rodjun at ng misis na si Dianne Medina.

Tulad ni Billy at Rodjun, ibang saya rin ngayon ang mababakas sa mga mukha ng aktor na si Carlo Aquino kasama ang kaniyang days old daughter na si Enola Mithi.

Sa kaniyang social media posts, makikita ang unang pasilip ni Carlo sa retrato ng anak.

READ: Carlo Aquino, girlfriend welcome baby

Photo Courtesy @jose_liwanag Instagram

Si Enola Mithi ay anak ni Carlo sa partner na si Trina Candaza.

Si Billy, Rodjun, at Carlo ay sabay-sabay na naging ama nitong buwan ng Setyembre.