• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang naninirahan si Michelle Madrigal ngayon sa Amerika kasama ang kanyang asawa at anak.

PANOORIN: Michelle Madrigal, nagpa-house tour sa kanyang bahay sa Amerika

Masayang naninirahan si Michelle Madrigal ngayon sa Amerika kasama ang kanyang asawa at anak.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/14/2020 10:02 AM
PANOORIN: Michelle Madrigal, nagpa-house tour sa kanyang bahay sa Amerika
Screenshot from Michelle Madrigal YouTube Channel

Nagpa-house tour ang dating Star Circle Quest (SQC) finalist na si Michelle Madrigal sa Austin, Texas kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang asawa na si Troy Woolfolk at anak na si Anika. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Merry Christmas from the Woolfolks. 🎄


A post shared by Female Transformation Coach (@mitch_madrigal) on

 

Ani Michelle, ito ang kauna-unahang nilang bahay simula nang magsama sila ng kanyang asawa dahil nakatira lamang sila noon sa isang apartment.

LOOK: Michelle Madrigal marries fiancé

May apat na silid sa bahay nina Michelle — tatlong kwarto kasama ang kanilang master’s bedroom at ang kanilang opisina. 

Nasa plano na umano ang paglalagay ng pool sa kanilang malawak na backyard sa mga susunod na buwan dahil apat na taon lamang sila maninirahan sa nasabing bahay. 

 

 

“I’m very happy na na-share ko ‘yung bahay namin sa inyo,” saad ni Michelle. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Unang nakilala si Michelle Madrigal noong 2004 sa reality talent search na Star Circle Quest kung saan isa siya sa mga finalists.  

Napanood ito sa iba’t-ibang teleserye ng ABS-CBN gaya ng Vietnam Rose, Crazy For You, at Maging Sino Ka Man.

 

 

Napanood din ito sa iba’t-ibang pelikula ng Star Cinema gaya ng One More Chance at My Big Love.

READ: Michelle Madrigal had her breast implants removed

Huli itong napanood sa teleseryeng Pasión de Amor kung saan gumanap siya bilang Lucia “Cia” Espejo. 

2017 nang magdalang-tao si Michelle sa kanyang anak na si Anika. Noong mga panahong ding iyon nag-propose ang asawa nitong si Troy. 

READ: Michelle Madrigal bares it all in recent Instagram testimony

Nagtatrabaho bilang isang ganap na pre at postnatal fitness specialist si Michelle Madrigal-Woolfolk sa Amerika.