• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-sorry ang talent manager na si Lolit Solis sa aktres na si Heaven Peralejo dahil sa pagpatol niya sa chismis na nanghihingi umano ng ‘ayuda’ ang dalaga sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

Lolit Solis, nag-sorry kay Heaven Peralejo

Nag-sorry ang talent manager na si Lolit Solis sa aktres na si Heaven Peralejo dahil sa pagpatol niya sa chismis na nanghihingi umano ng ‘ayuda’ ang dalaga sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/15/2020 02:03 AM
Lolit Solis, nag-sorry kay Heaven Peralejo

Hindi napigilan ng veteran columnist at talent manager na si Lolit Solis mag-react sa mga natanggap niyang batikos ukol sa pagpatol niya sa chismis tungkol sa paghingi umano ni Heaven Peralejo ng ‘ayuda’ sa pamilya ng ex-boyfriend nitong si Jimuel Pacquiao.

Sa isang mahabang social media post, sinabi ni Lolit na inaamin niya ang kanyang pagkakamali.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi ko talaga akalain na ganuon ang reaction sa issue ni Heaven Peralejo. In fairness sa kanya heto si Ogie Diaz at nagpaliwanag na imposible na magkaruon ng problema financially si Heaven dahil sa dami ng naisara niyang endorsement para dito. Sabi pa nga ni Ogie na kahit pa siguro medyo magtagal ang pandemic kahit paano meron naitabi pera si Heaven at hindi niya ma imagine na hihingi ito ng tulong para sa pera. Ewan ko naman kung bakit issue ang 100K na iyan na kung iisipin mo nga naman siguro madali din kitain ni Heaven sa trabaho. Tulad nga ng sabi ni Ogie na katatapos pa lang gawin ni Heaven ang isang endorsement. Iyon lumabas din nuon na nag grocery sila ng anak ni Champ Manny na gamit ang credit card nito, saka iyon post ko hindi naman sinabi na nanghingi siya , pagkakasabi ko lang binigyan, kaya takang taka ako bakit may kailangan pagtalunan. Iyon kusang bigay, hindi na issue iyon kung sakali, baka nga marami din inggit kay Heaven kaya konti bagay nagiging malaki. Sayang nga at nauwi sa hiwalayan iyon relasyon nila ni Jimuel , kasi siguro kung sila parin walang intriga iyon grocery at 100K dahil hindi bibigyan ng kulay. Now , dahil nga marami din walang magawa, lahat issue. Well Heaven , no worry. Basta tama ginagawa mo , gawin mo , buhay mo iyan , ikaw lang ang masusunod. 100K lang pala, gawin natin 1M para mas malaki, at ako na hihingi ng ayuda, hah hah . Love you Heaven and Mama Jinkee. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

READ: Heaven Peralejo addresses issue she asked P100,000 ‘ayuda’ from Pacquiao family

“Alam mo Salve na ayaw ko sa lahat iyon magbura ng post. Totoo na may mga post ako na kung minsan umaabot sa ikinagagalit ng tao at tinatanggap ko lahat ng bashing at grabeng comment.

“Sobra ang bashing na inabot ko sa post ko kay Alex Gonzaga, pero ang talagang naloka ako iyon kay Janine Gutierrez,” bungad ni Lolit sa kaniyang Instagram post ngayong araw, September 14.

Aniya, hindi niya idi-deny na nagkamali siya sa paglalabas ng balita na kaniyang nakalap at tanggap niya ito.

“Tanggap ko pag nagkamali ako, I don't find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa iyon magbura o mag-archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko. Kung ang consequence ng ginawa ko maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta naging totoo ako sa sarili ko,” depensa pa ng veteran columnist.

Aminado rin si Lolit na hindi niya kilala ng personal ang young Kapamilya star at nakilala lamang niya ito kuwento at pagpapakilala ng kapwa talent manager na si Ogie Diaz.

Sa bahagi rin ng post ng veteran columnist, nilinaw rin nito na pinabulaanan ni Jinky ang lumabas na balitang paghingi ng tulong ni Heaven sa kanila.

“So maliwanag na ang lahat. Nag-text si mama Jinkee Pacquiao na hindi daw totoo iyon balitang iyon, so tanggap ko na mali nga ang mga balita. Good, dahil at least maliwanag na ang lahat. Pati sila mama Jinkee at Jimuel nasali pa sa gulo , kaya nahihiya ako.

“Kay Heaven at sa nanay niya na nagsabi na 73 years old na ako bakit pa ako nagbabalita ng ganito, tama ka Mommy, dapat nga siguro na pag may blind item pabayaan ko na. Sa nagawa ko , SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Alam mo Salve na ayaw ko sa lahat iyon magbura ng post. Tutoo na may mga post ako na kung minsan umaabot sa ikinagagalit ng tao at tinatanggap ko lahat ng bashing at grabeng comment. Sobra ang bashing na inabot ko sa post ko kay Alex Gonzaga, pero ang talagang naloka ako iyon kay Janine Gutierrez. Tanggap ko pag nagkamali ako, i don't find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa iyon magbura o mag archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko. Kung ang consequence ng ginawa ko maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta naging tutoo ako sa sarili ko. Hindi ko kilala si Heaven Peralejo, nabasa ko ang blind item ni Fashion Police, nagtanong tanong hanggang may nagsabi na si Heaven at mama Jinkee Pacquiao ang nasa blind item.Nilagay ko sa IG, inamin ko na narinig ko lang ang bulong bulungan tungkol dito.Now salamat at manager pala ni Heaven si Ogie Diaz, ipinaliwanag na baka mali ang naging assumption ko , na kaya ni Heaven magkaruon ng 100K ng hindi kailangan ang tulong ng iba. So maliwanag na ang lahat. Nag text si mama Jinkee Pacquiao na hindi daw tutoo iyon balitang iyon, so tanggap ko na mali nga ang mga balita. Good, dahil at least maliwanag na ang lahat. Pati sila mama Jinkee at Jimuel nasali pa sa gulo , kaya nahihiya ako. Kay Heaven at sa nanay niya na nagsabi na 73 years old na ako bakit pa ako nagbabalita ng ganito, tama ka Mommy, dapat nga siguro na pag may blind item pabayaan ko na. Sa nagawa ko , SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved. So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan. Hindi tutoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat. Naku ayoko na talaga ng 150K at 100K parang malas sa buhay ko ang figure na iyan hah Salve. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

“So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan,” sambit ni Lolit.

Sa huli mariin na sinabi ni Lolit: “Hindi totoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat. Naku ayoko na talaga ng 150K at 100K parang malas sa buhay ko ang figure na iyan hah Salve,” pahayag ni Lolit.

Samantala, sa kanya ring Instagram story, nilinaw ni Jinkee na walang katotohanan ang mga balitang kumakalat tungkol kay Heaven.

“Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumalabas na nanghingi raw si Heaven ng pera sa amin ay “hindi po totoo!” Hindi po siya nanghingi at wala po kaming binigay na pera. Tigilan na po ang pambabash sa kanila na wala pong katotohanan! “Be at peace with everyone! Love one another! God bless us all! Heaven Peralejo stay safe and stay beautiful.”

Nagpaumanhin na din si Jimuel sa dating kasintahan.

March 2019 nang kumpirmahin nina Jimuel at Heaven na sila ay in a relationship na. Pero noong Agosto din ng taong iyon ay napagdesisyunan ng dalawa na maghiwalay.