Child star na si Jana Agoncillo, ipinasilip ang ipinapatayong bahay.Child star na si Jana Agoncillo, ipinasilip ang ipinapatayong bahay.

Ipinapatayo na ni Jana Agoncillo ang kanyang bagong bahay.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/15/2020 01:36 AM
Child star na si Jana Agoncillo, ipinasilip ang ipinapatayong bahay.Child star na si Jana Agoncillo, ipinasilip ang ipinapatayong bahay.
Photo credit: @janapatching on Instagram

Masayang ibinahagi ng child star na si Jana Agoncillo na unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. 

 







View this post on Instagram









 

A post shared by Jana Agoncillo (@janapatching) on 


 

Ipinasilip ni Jana sa kanyang Instagram ang kanyang ipinapatayong bahay na kasalukuyang under construction. 

Ani Jana, ipinagmamalaki niya na naisakatuparan niya ang pagpapagawa ng bahay mula sa kanyang marangal na pagsusumikap. 

Read:Jana Agoncillo’s film wins big at the Rotterdam International Film Festival

“Kahit maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful. Thank you Jesus for making way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami. TO GOD BE ALL THE GLORY. Namaste Universe,” saad ni Jana. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 







View this post on Instagram







 

Kahit Maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful 🤗 Thank you Jesus for making way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami🙏 TO GOD BE ALL THE GLORY 🙏 : Namaste Universe✨

A post shared by Jana Agoncillo (@janapatching) on 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Jana ang ABS-CBN sa pagkakataon na maging bahagi ng seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Ani ng batang aktres, malaking tulong sa kanyang pamilya ang dumating sa kanyang bagong oportuninad na muling mapanood sa telebisyon. 

“This is how we do our taping. Maraming salamat po sa aking Kapamilya network. Malaking tulong po sa aking pamilya ang pag bibigay nyo sakin ng works sa gitna ng pandemia. Naniniwala ako na makakabangon tayo ng sabaysabay at gagawa ng paraan ang MayKapal para mag kaunawaan na ang bawat isa dahil sa huli tayo tayo rin ang mag kakasama at mag tutulungan,” saad ni Jana. 

 







View this post on Instagram







 

This is How We Do Our Taping 🎥🎞 🤗 Maraming Salamat Po Sa Aking Kapamilya Network🎬🙏 ❤💚💙 malaking tulong po sa aking pamilya ang pag bibigay nyo sakin ng work Sa gitna ng pandemia... Naniniwala ako na makakabangon tayo ng sabaysabay at gagawa ng paraan ang MayKapal para mag kaunawaan na ang bawat isa dahil sa huli tayo tayo rin ang mag kakasama at mag tutulungan 🙏✨ : #AngSayoAyAkin

A post shared by Jana Agoncillo (@janapatching) on 

 

Napanood si Jana sa iba’t-ibang serye ng ABS-CBN gaya ng Ningning, Dream Dad, Honesto, Bagani at tatlong episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Read:Remember Jana Agoncillo of 'Ningning'? This is her now.

Naging bahagi din siya ng mga pelikula gaya ng Mano Po 7: Chinoy at Everything About Her.

Napanood si Jana sa seryeng Starla na pinagbidahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo.