• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ng dating singer na si Carol Banawa ang pangatlong 'blessing' sa kanila ng asawang si Ryan Crisostomo.

Carol Banawa, buntis sa kanyang pangatlong anak

Ibinahagi ng dating singer na si Carol Banawa ang pangatlong 'blessing' sa kanila ng asawang si Ryan Crisostomo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/14/2020 04:00 PM
Carol Banawa, buntis sa kanyang pangatlong anak
Photo Credit: @iamcarolbanawa Instagram

Sa kanyang latest Instagram post noong Sabado, September 21, ibinahagi ng dating singer na si Carol Banawa na ipinagbubuntis niya ang ikatlong anak nila ng kanyang asawa na si Ryan Crisostomo. 

"We can't wait to meet you Baby Crisostomo" sabi ni Carol sa kanyang larawan na kasama ang isang sonogram. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Another blessing...❤️ #andthentherewerethree ❤️

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on

 

Iniwan ni Carol ang buhay showbiz noong 2013 nang magpakasal sa kanyang asawa na isang military man sa US. 

READ: Carol Banawa continues to work as a medical frontliner in the US

Naging isang registered nurse si Carol noong 2017 at kumakanta pa din paminsan-minsan sa ASAP at ilang shows abroad. Sa ngayon isa siyang medical frontliner sa isang ospital sa US. 

Sa kanyang huling interview niya sa ASAP Natin To, sinabi nito ang ilan sa kanyang mga pangamba ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. 

 

 

"When the pandemic started, every day paiba-iba ang guidelines. Nandoon lahat ng questions. We were also in fear. Siyempre nandoon po ang possibility na maka-encounter ako ng COVID patients pero so far wala pa naman. My greatest fear is bringing the virus home. Kasi like my daughter, she’s considered high risk kasi may asthma siya. My husband, he’s in the military," aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#memorialweekend ❤️💙❤️

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on

 

Si Carol at Ryan ay may dalawa pang anak, sina Chelsea at River.