• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler, bumalik na sa social media pagkatapos ng ilang buwan.

Baron Geisler at asawang Jamie Marie celebrate first wedding anniversary

Baron Geisler, bumalik na sa social media pagkatapos ng ilang buwan.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/14/2020 09:55 AM
Baron Geisler at asawang Jamie Marie celebrate first wedding anniversary
Photo Credit: @baron.geisler Instagram

June 19 pa nang huling ginamit ni Baron Geisler ang kanyang social media accounts (Facebook, Instagram at Twitter) para i-post ang kanyang Face App female version. Since then ay hindi na naging active sa social media ang aktor.

Ayon kay Baron sa aming casual chat, desisyon niya na i-deactivate muna ang kanyang social media accounts simula nung umuwi siya ng Cebu kung saan naninirahan ang asawang si Jamie Marie Geisler at panganay nilang si Talitha Cumi. Nitong September 13, binuhay muli ni Baron ang kanyang social media account para i-post ang pictures nila ni Jamie na kuha sa isang beach sa Cebu while they are celebrating their first weddng anniversary. Ikinasal sina Baron at Jamie sa isang civil rite noong September 12 sa Quezon City Hall.

“I'm blessed to have a very loving and supportive wife who has endured me for a year now. Hehehe... Praying for an abundant life together. God knows I love you very much Jamie Marie Geisler,” caption ni Baron sa kanyang IG account.


Sa My Day ni Baron sa Facebook ay excited din nitong sinabi na na-miss niya ang social media at magiging active na raw ulit siya dito.

“I miss civilization. I miss social media, it’s nice to be back,” wika pa niya.

Matatandaan na hindi kaagad nakauwi ng Cebu si Baron dahil inabutan siya ng lockdown sa Quezon City noong March 15 habang tinatapos ang pelikulang Tililing ng Viva Films.

Nahirapan ang aktor bago nakakuha ng flight papuntang Cebu dahil ilang linggo ring ipinatigil ang local flights. Pagkatapos dumaan sa maraming proseso at makakuha ng travel pass ay saka lang siya nakauwi ng Cebu.