Ronnie Liang now an entrepreneur, puts up wellness center

Ronnie Liang tuloy pa din ang pagtulong bilang frontliner

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/13/2020 03:31 PM
Ronnie Liang now an entrepreneur, puts up wellness center

Talagang achiever ang singer na si Ronnie Liang dahil matapos maka-graduate bilang pilot last year at maging isang army reservist, ngayon ay isa na siyang entrepreneur.

Habang patuloy pa rin sa kanyang duty bilang army reservist, naisip ni Ronnie na pasukin ang pagnenegosyo. Hindi naman nalalayo ang kanyang negosyo sa pangunahing kailangan ng mga tao ngayon sa panahon ng pandemic.

Ibinahagi ng singer-actor kung gaano kaimportante sa kanya ang magpalakas ng katawan.


“Sabi nga nila, in the midst of chaos, there is also a good opportunity. The name of my business is HeHeals Wellness Center. Lalo na sa panahon ngayon, we need to really take care of ourselves.

“It’s important to have a healthy living. I want to build a business that will journey with people in attaining quality of life,” kuwento ni Ronnie.

Katulong si Ronnie ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19. Naka-assign siya sa checkpoints, nagsusundo at naghahatid sa mga medical worker at katulong sa pamimigay ng relief goods sa mga kapus-palad.

Kamakailan lang ay nagpaabot siya ng tulong sa mga locally stranded individual (LSI) sa Rizal Stadium at namigay ng plane tickets sa mga piling pamilya para makauwi sa kanilang probinsya.

Samantala, available na sa lahat ng digital music platforms ang bago niyang kanta  na “Awit Kawal” na dedicated sa mga sundalo na namatay sa Sulu. Ito ay composed ng award-winning composer na si George Canseco and written by Lieutenant General Edilbero Adan.
 
I salute all uniformed men and women who continue to serve our country, who risk their lives in the name of peace and liberty. Originally, my idea talaga, this song ay para sa intel soldiers killed by Sulu cops. I even visited their wake. Tapos few weeks ago, bomb attacks happened.

Another heartbreaking story dahil maraming buhay ang nawala. Seven soldiers, one police officer and six civilians were killed in the blasts. At least 21 soldiers, six officers and 48 civilians were also injured.

“We will not forget them. Malaki talaga ang respeto ko sa mga sundalo at sa lahat na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa bayan. I pray for their souls. I pray for their families,” lahad pa ng singer-army reservist.