• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanatili si Xian Lim sa tabi ni Kim Chiu sa kabila ng hinarap nitong mga pagsubok.

Kim Chiu, ibinahagi kung paano nalagpasan ang mga pagsubok kasama si Xian Lim

Nanatili si Xian Lim sa tabi ni Kim Chiu sa kabila ng hinarap nitong mga pagsubok.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/13/2020 11:47 AM
Kim Chiu, ibinahagi kung paano nalagpasan ang mga pagsubok kasama si Xian Lim
Photo credit: Love Angeline Quinto YT Channel and @xianlimm IG

Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan ni Kim Chiu ngayong taon, ikinuwento ng aktres kung paano niya nalagpasan ang mga ito sa tulong ng kanyang boyfriend na si Xian Lim. 

READ: Kim Chiu pens birthday message for Xian Lim, thanks boyfriend for being there for her amid tough year

Sa pang-apat na episode ng online show ni Angeline Quinto sa PadaLOVE Season 2, isang babae na hiniwalayan ng kanyang boyfriend. Kaya naman naitanong sa kanya ni Angeline kung kumusta na ang relasyon nilang dalawa. 


“Paminsan-minsan nagkikita. Pero most of the time, ano kami FaceTime ganyan,” ani Kim.

Sa kabila ng kanyang mga hinarap, nanatiling matatag si Kim at patuloy na nakipaglaban kasama si Xian na kailanman ay hindi siya iniwan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Selfie with petuniaūüĆł

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Ani Kim, hindi tumigil sa pakikinig sa kanya si Xian sa lahat ng kanyang mga problema. 

“Si Xian kasi lagi siyang nakikinig sa problema ko. Simula’t-simula palang. So para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob kahit ilang oras kami magkausap. ‘Sige magsalita ka lang.’ Tapos after namin mag-usap, okay na ako,” pagbabahagi ni Kim.

LOOK: Xian Lim looks back on sweet travel moments with Kim Chiu

Dagdag pa ni Kim, bago pa man nito sabihin ang kanyang problema ay alam na ni Xian na may dinaramdam ito. 

Aniya: “Tapos minsan ‘pag meron naman akong dinadala, sabi niya ‘Bakit parang naiiyak ka? Ano nangyari sa ‘yo?’ Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam niya na parang meron akong dinadamdam.”

Nang tanungin kung minsan nang umiyak sa kanyang harapan si Xian, saad nito: “Ay hindi siya iyakin. Never ko pa siyang nakitang umiyak.” 

Samantala, ibinahagi naman ni Kim sa kanyang pinakabagong vlog ang ilan sa pinakamasasaya nilang moments ng cast ng programang Love Thy Woman.

Hi everyone! With so much love, let me THANK each and every one of you for supporting our show #LoveThyWoman  ÔłŹ It has been a great journey, especially taping during this time. At first, I was really scared about going back to work, but eventually, I felt safe and just enjoyed my time with the cast and crew! All of us were locked in for almost a month. We cannot go out to see anybody else aside from the ones on the set. IT’S ONLY US and no one else,” saad ni Kim sa kanyang caption. 

Tuluyan nang namaalam  nitong Biyernes, September 11, ang Love Thy Woman. Ang nasabing teleserye ay isa sa mga pinakasinusubaybayan sa Kapamilya Channel.