• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling rin ni FDCP Chairwoman Liza Diño na tingnan ng MTRCB ang magiging epekto ng regulation sa pagpapalabas ng mga content sa digital streaming.

FDCP Chair Liza Diño, nagbigay pahayag sa planong regulation ng MTRCB sa Netflix

Hiling rin ni FDCP Chairwoman Liza Diño na tingnan ng MTRCB ang magiging epekto ng regulation sa pagpapalabas ng mga content sa digital streaming.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/13/2020 04:23 PM
FDCP Chair Liza Diño, nagbigay pahayag sa planong regulation ng MTRCB sa Netflix
Photo credit: @lizadino IG and Netflix

Kasunod nang plano ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na i-regulate ang mga pelikulang ipapalabas sa iba’t ibang digital movie platform tulad ng Netflix, nagbigay ng kaniyang pahayag ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) chairperson na si Liza Diño-Seguerra.

Para sa FDCP chairperson, “It’s an MTRCB call, but on the perspective of FDCP all of these platform right now have their own mechanisms for regulation. So may mga controls sila na ginagamit para to make sure na may classification ang panonood ng pelikula,” sabi pa ni Diño sa digital media conference ng pagtatapos ng ika-100 taong ang ng selebrasyon ng “Sine Sandaan”.

Aniya, magkakaroon ng epekto ang desisyon ng MTRCB sa pagpapatupad ng regulation sa paglalabas ng mga content sa digital platform.


“Siguro on a very grounded perspective, ang nakikita ko lang talaga na hardship, just in case this will be put in place is madi-delay talaga ang pagpapalabas ng mga pelikula on the platform,” aniya sa panayam.

Isa sa hinalimbawa ng FDCP Chairwoman ang worldwide release ng mga content sa Netflix na halos sabay-sabay na napapanood nga mga subscribers.

“Yung mga ipapalabas ng September halimbawa, all of over the world alam natin na worldwide, September siya ipaplabas, siguro hindi muna siya mapapanood after three months to four months, ‘yun ang nagiging setback, talagang nahuhili sila pagpapalabas ng latest content ng platform na ito,” aniya pa.

Bilang kawani ng pelikula, hiling rin ng FDCP Chairwoman na tingnan rin ang magiging kabuuan na epekto nito kung sakaling ipatupad ito ng MTRCB.

So I think, it’s best to revisit and tingnan natin kung ano ba ang value versus the effect also of these kind of regulation,” pahayag pa niya.

Matatandaan na umani ng samu’t saring batikos ang MTRCB simula ng ipahayag nito ang kanilang hiling na payagan sila na makialam din sa mga content na ilalabas ng Netflix at iba pang digital streaming services.

RELATED NEWS: MTRCB seeks to regulate content on Netflix, other streaming services

Sa huling ulat, patuloy na pinag-aaralan ng MTRCB ang kanilang hakbang para ipatupad ang pasya sa gagawing aksyon.