• Home
  • Fresh Scoops
  • Lance Carr of PBB Otso, masuwerte pa din daw at nakakuha ng acting project habnag may pandemya.

Dating PBB Otso housemate na si Lance Carr sumabak na rin sa BL series

Lance Carr of PBB Otso, masuwerte pa din daw at nakakuha ng acting project habnag may pandemya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/13/2020 02:51 PM
Dating PBB Otso housemate na si Lance Carr sumabak na rin sa BL series
Photo credit: @lance_justin_carr IG

Masuwerte ang dating PBB Otso housemate na si Lance Carr na kahit naka-quarantine ay nabigyan pa rin siya ng chance na gawin ang matagal na niyang pangarap – ang umarte sa harap ng kamera. Si Lance ay bahagi na rin ng In Between Pinoy BL series na meron na lang five remaining episodes at napapanood sa YouTube.

Ayon kay Lance, ang ambisyon niyang maging artista ang nag-udyok sa kanya kung bakit siya nag-audition noon sa Pinoy Big Brother kung saan masuwerte naman siyang natanggap.

“My dream talaga ever since nung bata pa ako is to become an artista talaga, yon ang gusto ko. I want to be in the limelight, the acting, the challenges, ganun. Gusto ko talagang maging artista dati pa,” pagtatapat ng 19-year-old na binata.


“Sa totoo lang po malapit na talaga akong mag-give-up sa pangarap kong maging artista dahil mahigit isang taon na rin po na parang wala pa akong napapatunayan. Ayoko lang naman din yung , ‘Ah, hanggang PBB lang yang batang yan, wala din naman yang napatunayan sa outside world.’

“Gusto kong tumatak ako sa mga tao na may kakayahan din ako, na kaya ko ring makipagsabayan sa mga ibang artista sa industriya po,” lahad pa niya.

Habang pandemic ay sinamantala rin ni Lance na ipagpatuloy ang pag-aaral ng kursong AB Communications sa Ateneo de Davao University sa pamamagitan ng online class.

Aniya, “Actually po, ang plan ko po talaga ay pagsabayin talaga ang studies at pag-aartista. Kasi yung studies naman habang buhay mong madadala yung mga learnings from education, eh. Always kang may fall back.

“Sa showbiz naman po, after all these things na nangyayari ngayon sa atin, mag-aantay na lang ako ng mga plano ng manager ko for me and hopefully may mga upcoming projects na dumating. I’m just really excited for what in store for me lalo na ngayong nagkaroon ako ng online series.”

Ano ba ang naging reaksyon ng parents niya na tumanggap siya ng isang BL series?

“When I told my mom and my dad na maggo-go-see ako sa isang BL project, ang tanong ko sa kanila, ‘Okey lang ba sa inyo?’ Pero actually, binalik nila yung tanong sa akin kung okey lang ba talaga sa akin.

“Ang sinagot ko is, oo, kasi yon nga, gusto kong i-challenge yung sarili ko bilang isang actor—yung capabilities ko gusto ko pang i-explore. Kumbaga, yung potential ko, gusto ko pang higitan as an actor talaga, to be more flexible with any kind of role po. Open din naman po ako sa mga ganitong klaseng project,” paliwanag ni Lance.

Aminado si Lance na bilang isang baguhan at dating PBB housemate ay ikinalungkot niya ang pagsasara ng ABS-CBN na sumabay pa sa panahon ng pandemya.

“Hindi po ako nawawalan ng hope at lagi akong nagpe-pray ng better future now with ABS-CBN company,” tinuran pa niya.

Samantala, sa In Between ay ginagampanan ni Lance ang character ni Makisig na na-in love sa character ni Ronin played by Renshie De Guzman. Long distance relationsip ang mamamagitan sa dalawa dahil nasa Davao si Lance at nasa Manila naman si Renshie, pero dahil sa modern technology ay para na rin silang magkalapit sa isa’t isa.

Ang In Between series ay sa direksyon ni Brilliant Juan. Pinagbibidahan din ito nina Migs Villasis at Genesis Redido.