• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang pagkakaalam ng isang truck driver ay si John Regala ang nakarelasyon ng ina habang ito nagtratrabaho sa Japan.

Resulta ng DNA test ni John Regala at ng nagpakilalang ‘anak’ negatibo

Ang pagkakaalam ng isang truck driver ay si John Regala ang nakarelasyon ng ina habang ito nagtratrabaho sa Japan.

BY
Bernie Franco

FRESH SCOOPS

09/11/2020 12:32 PM
Resulta ng DNA test ni John Regala at ng nagpakilalang ‘anak’ negatibo

Lumabas na ang resulta ng DNA test ng veteran character actor na si John Regala at ng lalaking si John Santos na nagpapakilalang anak ng aktor sa isang babae na dating nagtatrabaho bilang entertainer sa Japan.

Lumutang si John pagkatapos mag-viral ang photo ng aktor na tila hirap na hirap dahil sa iniindang sakit na liver cirrhosis habang naghihintay ng masasakyan sa Pasay.

Ayon sa nagpakilalang “anak” ni John na isang truck driver, wala siyang ibang motibo sa ginawa paglantad. Ang gusto lang daw niya ay kilalanin siya ng beteranong aktor bilang anak. Hindi rin daw niya habol kung anong yaman ang meron si John ngayon.


Isiniwalat din ni John, 22 years old, kung paano siya naging anak ng aktor. Ang nanay daw niya na si Vilma Santos (kapangalan ng Star for all Seasons) na dating entertainer sa Japan ay nakarelasyon ng aktor kaya siya nabuo.

Pero base sa resulta ng DNA test, hindi magkadugo ang dalawa. Lumabas din ang “zero probability” na ang dating action star at ang truck driver ay mag-ama. Ayon pasa kampo ni John ay minsan lang daw itong nakarating sa Japan at wala siyang matandaang nakarelasyon niya doon na ang pangalan ay Vilma Santos.

Samantala, ayon sa ilang netizens na sumusubaybay sa isyu, posible raw na nagamit lang ang pangalan ni John Regala ng ibang lalaki at nagpakilala ito bilang si John. Posible rin daw na yon ang tunay na ama ni John Santos. Nauso rin daw kasi noon sa Japan ang paggamit ng mga alias or screen name.

Matatandaan na may ganitong kuwento rin noon ang Tawag ng Tanghalan hurado na si Rey Valera na hinabol ng isang foreigner. The girl is claiming that “Rey Valera” is her boyfriend pero ginamit lang pala ng guy ang kanyang pangalan. Mabuti nalang at pagkatapos nang masinsinang pag-uusap ay pinakawalan din ang singer ng babaing foreigner.