• Home
  • Fresh Scoops
  • Humingi ng tulong si Loisa Andalio sa kanyang mga tagahanga upang maibalik ang Facebook page ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte.

Loisa Andalio, umapela na ibalik ang Facebook page ni Ronnie Alonte

Humingi ng tulong si Loisa Andalio sa kanyang mga tagahanga upang maibalik ang Facebook page ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/11/2020 03:40 PM
Loisa Andalio, umapela na ibalik ang Facebook page ni Ronnie Alonte
Photo Credit: @iamandalioloisa Instagram

Umapela ang aktres na si Loisa Andalio sa social media na ibalik sa boyfriend nitong si Ronnie Alonte ang ninakaw na Facebook page mula sa miyembro ng grupong Hashtags

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🖤


A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte) on

 

Sa isang tweet, humingi ng tulong ni Loisa sa kanyang mga tagahanga sakaling may marunong sa kanila kung paano maibabalik ang nasabing Facebook page at tinanong kung kilala nila ang taong kasalukuyang naghahawak nito.

“Hi po! Baka may kakilala kayo na marunong mag balik ng page sa Facebook ... or baka kakilala niyo yung may hawak nito hehe. Balik natin sa may ari. Thank you po,” saad ni Loisa.

 

 

May higit 936,000 followers ang nasabing page na beripikado ng Facebook.

Nitong Abril, marami ang netizens ang kinilig sa dalawa dahil tinawag ni Ronnie na “future wife” ang aktres.

Naging usap-usapan noong Hunyo ang umano’y pagli-live in ng dalawa matapos tanggalin ni Ronnie ang mga naka-post sa kanyang Instagram feed at mag-post ng isang nakaka-intrigang larawan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🏡

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte) on

 

Makikitang magkahawak ang kamay ng dalawang magkatalikod habang naglalakad papunta sa isang bahay na mukhang nasa construction stage.

READ: Ronnie Alonte’s cryptic post triggers speculations of new milestone with Loisa Andalio

Ngunit agad namang nilinaw ng dalawa sa programang I Feel U na wala itong katotohanan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

bbq 💕💕💕 @iamr2alonte

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

“Hindi po,” ani Loisa. “Ganun lang namin kamahal ang isa’t isa, lagi kaming magkasama kaya akala nila mag-live in na kami kasi lagi kaming magkasama,” tugon pa niya.

Ani Loisa, madalas umano silang magkita ni Ronnie dahil magkalapit lang kanilang mga bahay sa isa’t-isa.

“Kasi kami ni Ronnie parang magkapitbahay lang kami, Laguna and Cavite. Kumbaga isang exit lang. Parang 30 minutes away lang po yung bahay namin,” ani Loisa.

READ: Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magka-live in na nga ba?

Aminado naman si Loisa na alam niya na malalampasan nila ni Ronnie ang mga darating pang pagsubok sa kanilang dalawa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

bbq 💕💕💕 @iamr2alonte

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

“Lagi naman. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na nararamdaman ko iyon. Alam naman niya yun. Siyempre kami, alam naman naming madami pang pagsubok ang pagdadaanan. Hindi pa ganun kahaba ang relasyon namin pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya,” tugon ni Ronnie.

Mag-a-apat na taon nang magkasintahan sina Ronnie at Loisa.