• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud si Chito Miranda sa bagong condo na naipundar ng kanyang asawa na si Neri Naig.

‘Flexing my wife’: Chito Miranda, proud sa naipundar na condo ng asawa na si Neri Naig

Proud si Chito Miranda sa bagong condo na naipundar ng kanyang asawa na si Neri Naig.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/11/2020 02:12 PM
‘Flexing my wife’: Chito Miranda, proud sa naipundar na condo ng asawa na si Neri Naig
Photo Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Ang yabang talaga nitong babae na 'to.”

Ito ang panimulang wika ni Chito Miranda tungkol sa kanyang asawa na si Neri Naig Miranda nang “i-flex” nito ang bago niyang condo unit sa kaniyang Instagram post kung saan inilahad niya gaano siya ka-proud sa kanyang maybahay. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang sarap na kasama mo ang mahal mo habang bumubuo ng mga pangarap sa buhay. Mapapangiti ka na lang. At mapapakanta ng ...even though we ain't got money. I'm so in love with you honey. And everything will bring a chain of love. And in the morning when I rise bring a tear of joy to my eyes. And tell me everything is gonna be alright. We will get there. Nahinto man ang plano mo, hindi ibig sabihin nun ay di na matutuloy. Mas marami na tayong oras para sa sarili at pamilya natin. Blessing yan. Let us all be grateful at gamitin eto ng husto. Life is beautiful. Kailangan lang natin mas kulayan ang ating buhay. Let us all spread good vibes at kindness. Free lang yan pero yan ang pinakamahal at mahalaga. A simple hi sa mga makakasalubong natin will brighten their day. Hi! Kumusta ka today? I hope mas better kaysa kahapon. Kung ano ang pinagdaraanan mo ngayon, isang mahigpit na yakap. ❤

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

Ngunit ayon kay Chito, hindi ni Neri pinagmamalaki ang kanilang nabiling condo bagkus kung paano nito napundar ang kanyang bagong investment gamit ang perang pinaghirapan nito ng ilang taon. 

READ: 'Nakakaiyak!': Neri Naig acquires a condo unit

“Totoo...mayabang talaga si Neri. Pero hindi ‘yung condo yung pinagmamayabang nya. Sa katunayan, yan yung pinakamaliit at pinakamurang unit sa buong building...so owning this particular condo unit isn't really worth bragging about,” ani Chito.

 

 

Pagpapatuloy pa niya: “Ang pinagmamalaki ni Neri ay ‘yung fact na nabili nya ‘yan on her own, using her own money, mula sa mga naipon nya from her small businesses na pinaghirapan nyang itaguyod from scratch.” 

Ani Chito, ito ang dahilan kung bakit proud siya sa kanyang asawa. “Now THAT is something to be proud of,” saad niya. 

READ: Chito Miranda has renewed appreciation for ‘stay-at-home mom’ Neri Naig

Sabi pa ng Parokya Ni Edgar frontman, ang pagiging inspirasyon marahil ni Neri ang dahilan kung bakit mas marami ang natutuwa sa kanyang asawa. 

“I guess that is why maraming nai-inspire sa kanya instead na mayabangan because people know the difference between someone who is proud of his or her achievement, vs someone who is simply bragging about something that he or she simply has,” saad ni Chito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online.. nakabili ng isang condo sa may tabing dagat. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ang lahat ng mga nainvest ko. Nakakaiyak! Salamat sa lahat ng nagbigay ng birthday messages sa akin. Grabe kayo, nakakaiyak! Feeling ko ang bait bait ko, haha! Pero seriously, salamat sa messages nyo pong lahat. Ang sarap sa pakiramdam na may tama pala akong ginagawa sa earth, hehe! Ang dami ko na palang "nabago" ang mga buhay sa pamamagitan ng pag inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon. Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat. At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong naging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban. Thank you po sa lahat ng mga naniniwala sa akin, sa kakayahan ko bilang isang negosyante, bilang isang influencer, bilang isang endorser, bilang isang mentor, bilang isang boss, bilang isang katrabaho, bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid, bilang isang anak, bilang isang asawa, at bilang isang ina. Thank you, Lord, sa lahat po ng blessings! Dati ay palagi po akong nagtatanong sa Inyo po kung bakit parang ang hirap naman ng buhay ko. Yun pala ay hinahanda Nyo po ako sa kung ano at meron po ako ngayon. Maraming salamat po, Lord, at di po Nyo ako sinukuan bagkus ay ginabayan Nyo po ako. Ilang taon na lang at mag kwarenta na ako! haha! Tanda ko na! Pero masaya ako dahil proud ako sa lahat ng accomplishments ko. Sa makakabasa nito, ikaw na ang susunod, wag ka lang susuko! Tulungan kita, magbenta tayo! Hahaha! Nagpromote pa ih! Seriously, kaya mo yan, wag kang susuko. Tandaan, ang bida ay nabubugbog muna bago manalo, tingnan mo si FPJ, hehe! Bugbog na hindi literal ha? Ibig kong sabihin, syempre mauuna ang hirap at sakripisyo bago mo makita at matikman ang success. Kanya kanyang time tayo, sa ngayon ako naman, it is my time to shine, hihi! Ikaw na ang next! Maniwala ka lang!❤️

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

Ayon pa kay Chito, naniniwala siyang hindi lang nagsisilbing inspirasyon ang kanyang asawa kundi isa ding blessing sa marami dahil nabibigyan ng dating SQC star nang oportunidad ang maraming na tao na kumita ng pera. 

“More importantly, they are inspired because alam nila na kaya din nilang gawin ‘yung ginagawa ni Neri as long as they work hard, and focus all their energy in pursuing their goals,” sambit ni Chito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nakuha namin si Ms.Neri Naig at Mr.Chico Miranda bilang brand ambassadors ng @parokyashirts Salamat talaga at pinaunlakan kami ng #waisnamisis, ang 6th placer ng 1st ever SCQ, at ang reyna ng MECQ, at ng kanyang asawa na syang nagpasikat ng mga hit songs na Pare Ko at Lakas Tama, na sya ring may-ari ng Parokya Shirts na suot nila sa picture na 'to. Halatang high-production ang aming photoshoot na ginawa sa tapat ng bahay nila kaninang hapon bago umulan. Salamat sa aming high-end producer/client/art director/stylist at photographer na si @ninangmace Mabibili yung Parokya Masks for P300 each at Parokya Shirts for P600 Maliban sa black and white, available na din yung army green na mask. Ayus din eh...that is kung trip mo yung army green. Meron din kiddie-size na masks para sa mga batang maliliit, at mga adults na ubod ng liit yung mukha. Cute eh. For orders and inquiries, simply send an email to parokyashirts@gmail.com or send a viber message to 09369893217 Pwede kami mag-ship kahit saan sa Pinas, at kahit saan sa Earth. Yun lang.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

 

Dagdag pa niya: “Pero ang higit sa lahat, she tries her best to share her blessings, not just by inspiring other to do the same, but also by spreading out opportunities to earn. She genuinely wants everyone to succeed.” 

READ: Neri Miranda posts sweet birthday message for husband Chito: ‘ Sobrang mahal na mahal na mahal kita’

Sa dulo ng post ay “flinex” ni Chito ang kanyang asawa at sinabing: “Me, on the other hand, is simply mayabang...and this is me blatantly flexing my wife.”

Tingnan ang post ni Chito sa ibaba: 

https://www.instagram.com/p/CE8BbYwBewZ/

Kamailan lang ay hinangaan sina Chito at Neri ng maraming tao dahil tinulungan ito nito na mabili ang lupang pinapangarap niyang bilhin. Nauna nang ibinahagi ni Chito na naunsiyami umano ang pagbili niya nito dahil sa kawalan ng gigs dulot ng pandemya. 

READ: Naunsyaming pangarap ni Chito Miranda na bumili ng lupain, naisakatuparan ni Neri Naig

Disyembre ng taong 2014 nang ikasal sina Chito at Neri. Mayroon silang anak isang anak na nagngangalang Miggy. 

Kilala ang mag-asawa sa pagkakaroon ng maraming negosyo.